Chapter 19
"Kiel, sabihin mo nga. Pangit ba ako?” Hawak-hawak ko na naman yung stuff toy na ibinigay sakin ni Zeke.. Nakakatawang isipin na kinakausap ko ang isang laruan na hindi naman sasagot sakin. Pero mas nakakatakot naman kung sasagot ito di ba? Tch.
“Sa tingin mo ba eh sila ang mas bagay?” Nahiga ako sa mahabang sofa. Itinaas ko si Kiel at nilaro-laro. Napatigil naman ako saglit at niyakap ito.
“Susuko na ba ako? Hinihintay ko lang naman sya na bitawan na talaga ako eh.” Napaiyak na naman ako.
“Pero ayoko.. *sob* Ayokong iwan nya ako.. Ayoko din na iwan sya.. *sob* Silang lahat.. Paano na lang si papa? Si Aira.. Lahat sila iiwan ko na. Kapag nawala na ako sa mundong ito, gusto ko lagi mong sasamahan si Zeke ha? Gusto ko lagi mo syang babantayan.” Pinilit kong punasan ang luha ko pero bawat punas may pumapalit talaga. Wala na namang katapusang luha.. Nakakainis na. Lagi na lang akong umiiyak.
Ang weak ko talaga!
Bakit ba ako nagkasakit ng ganito? Bakit ako pa? Bakit bumalik na naman ang sakit kong ito?
Tumayo na ako at hawak-hawak ang munting laruan na tanging natangay ko ng umuwi ako sa bahay. Buti tulog si yaya kaya hindi nya alam na umuwi ako..
Nilanghap ko ang simoy ng hangin.. Kapag namatay ba ako, ganito kasarap amuyin ang hangin dun? San kaya ako mapupunta? Sa langit kaya? Madami rin kayang chocolate dun? Pero sana kung saan man ako pumunta, burahin yung alaala ko tapos ang tanging iiwan lang sakin ay ang nararamdaman ko kay Zeke. Yung alaalang mahal nya rin ako at mahal ko sya. Kahit yun lang..
Flashback.."Nasan na ang kasama mo?"
"Umalis po eh, sakin nyo na lang sabihin ang result. Pati gusto ko na din umuwi eh." Sabi ko sabay ngiti sa doktor.
"Uh.. We need to talk about your condition. Mas mabuti nga sana kung kasama mo ang asawa mo ngayon.”
“Hindi naman po siguro tayo magtatagal di ba?”
"Mrs. Dela Cruz, when was the last time na na-operahan ka?"
"Noong bata daw po ako sabi ng dad ko. I think nasa mga 3 years old ako. Bakit po?”
"Wala akong makitang problema sa utak mo at okay naman ang lahat ng results dun. Nasugatan ka lang naman sa ulo nang mahulog ka sa hagdan.. but.." Huminga siya nang malalim at tumingin sakin.
"But?"
"But.. I found an abnormality with your heart."
"A-abnormality??" Hindi ko pa masyadong maintindihan ang mga sinasabi nya. Masyadong magulo para sakin.. pero ang nakapagpalinaw ng lahat ay nung sabihin nyang..
"You have a Coronary Artery Disease or CAD. It is the most common type of heart disease that causes heart attacks. Ang artery sa puso mo ay nagna-narrow at tumitigas kaya hindi mag supply nang maayos ang blood na dumadaloy sayo..”
"Mrs. Dela Cruz, nakakaranas ka ba ng paghirap sa paghinga ngayon?"
"Y-yes.”
CAD? Nanghina ako sa naririnig. Paano nangyari ‘to eh ang alam ko ayos na ako! Ang pagkakaalam ko ay inoperahan na ako noong bata ako kaya naging maayos na daw ang lagay ko.
"A-ano pong kailangang gawin?"
"Operation.. As soon as possible kailangan ka nang operahan but before that kailangan din natin ng donor na mag ma-match sa puso mo.”
BINABASA MO ANG
My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)
Teen FictionPUBLISHED BY VIVA-PSICOM