Chapter 2

202K 2.6K 163
  • Dedicated kay sa lahat ng readers
                                    

Follow me on Twitter: @Crunchhy

Add me on facebook: Crunchh WP

See you sa GOLD RISING Event sa November 30, 2013. Sa 5th floor function A and B. 10 to 8 PM! Watch out for our production number. Wahahah! 

First release ng MY CASANOVA HUSBAND. P175 pesos only. Kapag sa event kayo bumili 140 pesos na lang. See you there! ^___^

==

Humalik sa pisngi ko si Brian nang makita nya agad ako. Nandito kami sa plaza.. Ito na yung araw na kinakatakutan ko.. Ang sabihin sa kanya ang tungkol sa sitwasyon ko.

“Buti na lang wala kami masyadong ginawa ngayong araw na ‘to. Teka, tungkol ba ito sa birthday mo? Saan mo ba gusto pumunta sa araw na yun?”

“Brian.. I have something to tell you.” pinilit kong wag manginig ang boses ko. Alam kong anytime papatak na ang luha ko. Naging seryoso yung mukha nya..

“May problema ba Maff?” hinawakan nya ang baba ko at itinaas. “Tumingin ka sa akin. Anong problema?” Hindi ako makatingin ng diresto sa mata nya. Kailangan ko sabihin na ikakasal na ako..  

“Brian.. I'm.. I’m getting married.” Silence... Hindi siya umiimik. Hindi na din niya ako tiningnan pa. Pagkatapos nang ilang minuto ay saka palang niya nagawang basagin ang katahimikan. Nakita kong nakakuyom ang mga palad nya.

“Kailan ang kasal?” Alam ko sa sinabi nyang ito ay galit na siya.

“Sa isang araw.. Sa birthday ko.” hindi ko alam pero kusa na namang tumulo ang luha sa mga mata ko. Tumayo siya at sinipa ang garbage can na katabi ng bench na inuupuan namin.

“Fuck shit lang oh!” naglabas na siya ng galit. “Alam kong ayaw sa akin ng ama mo Maff, pero hindi na ba siya naaawa sayo?!”

“Alam ko, pero wala akong magagawa.” parang ewan din ang mga luha ko ano? Hindi talaga sila maubos. Ang saklap nga siguro ng buhay ko. Bakit kaya nangyayari ang mga ganitong bagay sa akin?

“Kakausapin ko ang ama mo!”

"Wag na. Wala na tayo magagawa. Baka kung ano pa ang gawin nya sayo.” Tumabi na siya sa akin saka ulit nagsalita. “Paano ka?” Pinunasan ko ang luha ko.

“Mahal mo naman ako diba?” Niyakap niya ako. Alam ko naman na mahal niya ako. Muli na namang tumulo ang mga luha ko.

“I have to let you go. Hintayin mo lang ako. Ipapakita ko kay dad na hindi karapat dapat ang magiging asawa ko para sa akin. Hintayin mo ako ha?” He kissed me on my forehead. Parang ito na ang huli niyang paghalik sa noo ko.

“I’ll wait for you..” sabi nya. Panghahawakan ko ang mga salita nyang ito.

Nagpaiwan na lang ako kay Brian dito sa plaza. Gusto ko pang mag-isa. Hindi ko din naman gusto makita ang mga nakatira sa bahay namin. Si daddy plus ang mga katulong nyang utus-utusan lang nya. Nagtagal din ako dito ng isang oras saka ko palang napagpasyahang umalis. Baka isipin na talaga ng mga tao na nakakakita sa akin eh may babaeng baliw na umiiyak sa isang sulok dito.

Naglalakad na ako nang may mapansin ako.. Teka, siya yung mokong na walang hiyang humalik sa akin sa mall! Ang lokong yun PDA!! Sumingkit talaga yung mga mata ko na parang katulad ng sa mga intsik nang makita ko yung mokong na yun! Bwisit talaga!

Masama ang araw ko ngayon kaya Lord, patawarin nyo ako sa gagawin ko.

“You jerk!" I threw a stone at him. Tumama pa nga sa balikat niya.

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon