Chapter 8
He’s a monster! Ang galing ni Zeke mag-basketball and I can’t believe it! Akala ko puro pangba-babae lang ang alam niyang gawin pero athlete din pala sya? No wonder kaya mas lalo syang sumikat. 22-18 ang score nila. Panalo ang team ni Zeke. Akala ko talaga magtatapos na sa 20-18 dahil hindi siya makalusot sa depensa ni Vince pero nagawa nya.
“Nakakahiya naman. First time mo manuod ng game tapos natalo pa ako.” Sabi ni Vince sakin pagkatapos nya magpalit ng damit sa loob ng shower room.
“Ano ka ba! Ayos lang yun. Ang galing mo nga eh. Nasan nga pala si Zeke?”
“Nasa loob pa. Hinihintay mo ba?”
“Ahh, hindi ano!” Niloloko pa ako ni Vince. Kunwari pa raw na hindi ko hinihintay. Ang kulit nga eh. Umuna na siyang umalis. May klase pa ako sa next subject after 30 minutes kaya dito na lang muna ako. Lumabas naman si Zeke kasama ng ibang teammates nya.
“Uy Zeke!” Tumingin sya sakin. “Nagba-basketball ka pala?” Kumunot naman yung noo nya sa tinanong ko.
“Kita mo naman di ba? Bakit nagtatanong ka pa? Tss.”
“Sungit mo naman! Nagtatanong lang eh! Pati..” Tumingin ako sa court. “Ngayon lang ako natuwang manuod ng basketball. Nakakakaba pala na nakaka-excite.” Napangiti ako sa naiisip ko. Lalo na yung kanina? Mamamatay na ako sa nerbyos nung inagaw ni Zeke yung bola sa kalaban nya tapos humarang si Vince sa kanya. Hindi ko alam kung makukuha ba ni Vince o ano.
“Captain ka pala dati ng St. Paul’s University? Ang galing!! Sayang lang kasi hindi kami nanunuod ni Aira ng mga laban nun eh. Pumupunta lang kami sa mall.” Nakatingin lang siya sa akin tapos patuloy lang ako sa pagsasalita. “Ano kaya kung ako yung maglalaro ano? Nakakatuwa yun!” Umakto ako na may hawak na bola kahit wala naman tapos nag-shoot.
Tumingin ako sa kanya tapos nakita ko syang nakangiti.
“B-bakit ka nakangiti? Aish! Mukha na ata akong baliw dito eh!”
“Hindi ah.. Cute nga eh.” Nagulat naman ako sa sinabi nya. Ewan ko ba, pero parang nagulat din sya nung sinabi nya yun. Parang may drums na nag-iingay sa loob ng dibdib ko. Ano ba naman to?! Bigla na lang siyang nag-smirk. “So ngayon may dahilan ka na para magustuhan ako?”
“Neknek mo! Makaalis na nga! May klase pa ako eh.” Sabi ko sabay alis.
“Wag ka masyado magpaka-aning sa klase mo ha!” Sigaw nya pero di ko na lang sya pinansin. Tumatawa pa kasi yung mokong!
Pero.. sinabi ba talaga nya na cute ako?
Bwisit! Hindi ako nakapag-concentrate sa klase dahil dun sa cute thingy na yun! Bakit ba ako affected masyado eh pwede naman na nanti-trip lang yun. Hindi naman siguro seryoso yun nang sinabi nya yun di ba? At ano naman ngayon sakin? Aish! Umuwi na lang ako ng bahay tapos natulog. Lagi naman akong natutulog lang kapag wala akong magawa. Tinatamad naman ako pumunta sa mall para mag-shopping. Ni hindi ko pa nga nasusuot yung ibang mga damit at sapatos na binili ko noon. Pagkagising ko naman eh may nakita ako sa tabi kong teddy bear.
BINABASA MO ANG
My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)
Teen FictionPUBLISHED BY VIVA-PSICOM