Chapter 11
Next week na ang UAA kaya busy na ang lahat ng varsities ng Alshin University. Samin gaganapin ang unang basketball match pati na rin ang ibang sports. Maaga laging umaalis si Zeke ng bahay para sa training nila kasi malapit na nga ang una nilang laban. Hindi ko na sya malimit makita kahit nasa iisang bubong kami nakatira. Wala nang nang-aasar sakin pero nakaka-miss pa rin ang mokong na yun! Ano ba naman yan! Ang aga kasi ng training nila. Alas kwatro ng madaling araw dapat nasa school na. Kahit sa gabi eh bihira ko syang makita kaya kami na lang ni yaya ang sabay kumain. May araw na medyo maaga ang tapos ng practice nila pero pagod na pagod naman sya at walang ganang makipag-usap. Pinabayaan na lang namin ni yaya kasi baka umatake na naman ang pagiging suplado nun!
Galing ako kahapon sa restaurant ni ate Pam. Feeling ko ang tamlay tamlay ko. Naging maayos naman ako nang makita ko na yung mga pagkain na ginawa nya. Syempre nagbayad naman ako! Nakakahiya kaya kapag libre eh ang dami kong kinain. Ang sarap din nung cookies nya! Sabi nga nya ay ituturo daw nya sakin kung paano gumawa nun pero ipangako ko raw na wala akong pagsasabihan na kahit sino kasi syempre secret recipe nya yun. Ang galing nga eh! Sya mismo yung nag-imbento nung cookies!
“Bakit ang tamlay mo? Ikaw ha, may napapansin na ako sayo.” Katatapos lang ng isang subject namin kaya naghihintay na lang kami sa susunod na professor.
“Ano na naman?” Walang ganang tanong ko.
“Buntis ka ba?” Nanlaki naman daw yung mata ko sa sinabi ng gaga kong kaibigan!
“Baliw ka ba?! Ayusin mo nga yang utak mo!”
“Nagtatanong lang naman eh. Sus, pero hindi nga ba?” Inilapit pa nya yung mukha nya sakin habang nakangiti. Nag-fake smile naman ako sa kanya. Saka ko hinila bigla yung buhok nya.
“Asa pa!”
“Eh bakit kasi wala kang kagana-gana sa klase nitong mga nakaraang araw? Hindi rin kita mayaya sa mall ngayon. Nagkukulong ka lang dun sa bahay nyo! Siguro gusto mo laging ma-solo ang papa Zeke mo ano?” Tukso nya sakin. Bumuntong hininga na lang ako.
“Paano makakasama eh laging nasa training? Malapit na kaya ang UAA. Lagi nga yung wala sa bahay.”
“Ayuuuun! Lumabas din ang dahilan kung bakit ka nagkaka-ganyan. Nami-miss mo si papa Zeke!”
“Hoy hindi ah! Bakit ko naman mami-miss yung mokong na yun?!”
“Ikaw lang makakasagot nyan sis.” Sabi nya sabay ngiti. Dumating na yung next professor namin kaya umayos na kami ng pwesto. Matapang kasi ang isang ‘to eh! Patanda ng patanda kaya patapang din naman ng patapang!
Nagsimula na siyang mag-discuss kaya nag-take down na kami ng notes. Bigla na lang may kumatok sa pinto namin. Ayaw pa naman ni ma’am na naiistorbo ang klase namin kaya malimit nyang sinisigawan ang mga taong nang-iistorbo ng klase nya. Kawawang estudyante kung sino man yun.
“Good morning ma’am.” Nanlaki yung mata ko nang makita kong pumasok si Zeke sa loob ng class room. Anong ginagawa nya dito?!
BINABASA MO ANG
My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)
Teen FictionPUBLISHED BY VIVA-PSICOM