Chapter 4

168K 2.3K 185
                                    

Chapter 4

 

Nakatulog na pala ako sa kakaiyak. Hapon na pala ngayon. Ang tagal ko rin pala nakatulog. Napatingin naman ako sa pagkain na nasa study table ko. Sakto naman na pumasok si yaya Rosie sa kwarto na may hawak na walis. Ang sipag nya talaga.

“Salamat po sa pagkain.”

“Pagkain?” Nagtatakang tanong nya. Napatingin naman siya sa study table ko at saka ngumiti.

“Ito ba?” Turo nya sa pagkain. “Hindi ako ang naglagay nyan, hija. Baka si sir Zeke. May note pa nga oh.” Sabi nya na may nanunuksong tingin.

Tiningnan ko yung note na nakalagay sa pagkain.

 

Lovey daw? Ano yun endearment nya sakin? Sus, ka-echosan nya! Hindi ko na lang pinansin yung note. Kumain na lang ako at ayoko rin isipin si Brian. Nakaka-stress lang tapos mamaya baka iiyak-iyak na naman ako.

“Teka.. Nasaan po pala ang magaling na si Ezekiel Dela Cruz?” Tanong ko kay yaya na palabas na sana sa kwarto ko.

“Hindi ko lang alam, hija. Kanina pa siyang wala dito.” Baka nambababae na naman ang mokong na yun. Napailing na lang ako. Well, he’s a Casanova. Wala akong magagawa sa bagay na yun.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kumain. Sakto naman na paakyat ng hagdan si Zeke. Talagang hinintay ko pa siya para magpasalamat sa pag-prepare ng pagkain ko habang tulog ako. Hindi ko alam kung anong mabuting espiritu ang sumanib sa kanya nang mga oras na yun.

“Ahh, Zeke.. Salamat sa food.” Nahihiya pa nga akong mag-thank you pero ito ang tamang gawin. Ngumiti lang naman siya sakin tapos nagpatuloy na siya sa paglalakad. Pero nang mapunta siya sa tapat ko ay napansin ko na may pasa siya sa kaliwang pisngi.

“Bakit ka may pasa?” Medyo malapit pa naman sa mata niya iyon. Hahawakan ko sana ang mukha niya pero umiwas yung ulo nya. “Nakipag-away ka ba?!”

“Wala ‘to.”

“Anong wala? Ayan oh! Ang laki!”

“Don’t mind it. Naka-tsamba lang naman yung gago na yun ng suntok eh.”

“So nakipag-away ka nga? Pag nalaman ng papa mo na nakipag-away ka, lagot ka dun!”

“Yeah. I may be a player pero hindi naman ako basagulero. And he knows that.” Tumingin siya sakin ng seryoso.  “May atraso kasi siya sa kaibigan ko kaya ako na lang ang gumanti para sa kanya. I just ruined that asshole’s special day.. and that’s today.” Ngumiti siya sakin at saka pinisil ang kanang pisngi ko.

“Ouch!” Ang sakit naman nun mamisil! Pumasok naman siya ng kwarto nya. Ewan ko ba dun sa lalaking yun at parang good vibes ata. Bipolar ata yun eh.

My Casanova Husband (AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon