HOLD MY HAND

11.4K 62 1
                                    

After rehearsal, nagtaka si Elmo kung bakit bigla na lang nawala si Julie, tinatawagan niya ung phone nito pero hindi ito sinasagot ng dalaga.

“Sef, nakita mo ba si Julie, kanina ko pa siya hinahanap eh?” tanong ni Elmo.

“Hindi eh.” sagot ni Sef na nagrerehearse ng sayaw nito.

Lumabas ng studio si Elmo, “Kuya, napansin mo ba si Julie na dumaan dito, wala kasi sa siya sa loob eh?”

”Opo sir, papunta po siya sa rooftop.” napaisip si Elmo habang papunta siya sa rooftop.

Pagdating niya doon, nakita niya si Julie na nakaupo habang nakatakip ang mga kamay nito sa mukha. Umiiyak si Julie. Dahan dahang lumapit si Elmo sa likuran nito at mula doon ay niyakap niya si Julie, lalong lumakas ang iyak ni Julie. Simula kasi nang dumating si Julie galing sa isang trip kung ano-ano nang issue ang lumabas tugkol sa kanila ni Elmo. Mabuti sana kung positive ang kaso lang puro negative. Maya maya pa wala ng iyak na narinig si Elmo, pero ramdam niya na humihikbi pa rin ito.

Iniharap niya si Julie sa kanya at tiningnan ito sa mata, masakit kay Elmo na nakikita niyang umiiyak si Julie kasi alam niya na sobrang nasasaktan na ito.

“Ok ka na ba?” tanong niya kay Julie, iling lang ang isinagot nito sa kanya.

“Gusto mo i-hug kita ulit?” Nakangiting tanong ni Elmo, tango naman ang isinagot ni Julie kaya niyakap niya agad ito ng mahigpit.

*Elmo’s POV

Kung kaya lang tanggalin ng mga yakap ko ung lahat ng sakit na nararamdaman mo gagawin ko. Wala akong pakialam kahit gaano kitang katagal kailangan yakapin, masigurado ko lang na pagkatapos ng yakap na yun, babalik na ulit yung mga ngiti mo.

Nagulat si Elmo ng bumitiw si Julie sa kanya at hinawakan ng isang kamay nito ang mukha niya.

“Baby, hindi masamang umiyak alam kong nasasaktan ka rin.” sabi ni Julie habang nakatingin ito sa kanya. Hinawakan ni Elmo ang kamay niya at ngumiti ito.

“Alam ko, umiiyak din naman ako Julie, umiiyak ako kasi nakikita kitang nasasaktan, sa tatlong taon natin na magkasama iniyakan ko lahat ng issues na dumating sa relasyon natin, alam mo yun ang bigat sa dibdib, yung parang mamatay ka na sa sobrang bigat.” nakangiting sagot niya kay Julie.

“Elmo, napapagod na ako.” sabi ni Julie habang nakatingin ito sa malayo.

Tumayo si Elmo at inilalayan niya rin si Julie na tumayo, iniharap nya ito sa kanya ito at hinawakan ang dalawang kamay.

“Julie, tingnan mo ung kamay natin swak sila sa isa’t isa no? Alam mo ba kung bakit sila ganyan?” tanong ni Elmo habang nakatingin silang dalawa sa mga kamay nila. Ginawa ni Lord na mag swak yan para mahawakan ko ng maigi at hindi ko mabitawan ung taong may ari ng kamay na ito” sabay tingin kay Julie.

“Alam ko din Elmo, kung bakit sila swak na swak sa isa’t isa, kasi para may mahawakan ako ng mahigpit at masigurado niya na hinding hindi ako makakabitaw sa taong may-ari ng kamay na ito.” sabay tingin din kay Elmo, pero may luha na ang mga mata niya.

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon