SKINNY LOVE

3.2K 12 0
                                    

"You love each other but you’re too shy to admit it." - anonymous

*****

"Okay. Break muna tayo. Retouch ng make-up sa artists." sabi ng photographer. It was the day of the KNKM photoshoot at sobrang nag-eenjoy ang casts sa ginagawa nila. Not just because they got to know each other, but because this is a new project for them.

"Julie, anak. Magpahinga ka muna. Kakagaling mo lang sa sakit ang hyper mo nanaman." Tita Marivic said.

"Opo, ma." lumapit naman si Julie sa kanya and sat on a chair.

"Uhm… Julie, retouch ka muna." sabi ng isang staff. May sasabihin pa sana siya but Julie’s phone rang and she couldn’t help but to look at who the caller was. Syempre nakaladlad lang naman ang phone ng dalaga sa ibabaw ng make-up kit niya.

'Elmo Magalona Calling…'

"Hello? Yes. Kakagaling ko lang sa trangkaso… Haha. Opo, opo. Hindi na… Si mama talaga todo report lagi sayo eno? Haha… Oo na po. Iinom na ng gamot… Ikaw din… Nasa shoot ako eh. Pero break namin… Yes… I miss you too… Haha… Adik ka… Sige sige. See you soon… Bye." she hung up the phone at saka tumingin sa staff. "Ate, kanina ka pa diyan?"

"Ha? Di naman. Anyway, pinapasabi ni direk na kunin mo na daw food mo sa table." sagot ng staff.

"Sige po." nakangiting sabi ni Julie. Lumayo na ang nasabing staff and Julie went to the food table to get her snack.

"Jules, tinawagan ka no?" Kris asked.

"Oo. Nangamusta. Haha."

"Ayiie! Nako. Edi magaling na magaling ka na niyan?" pang-aasar ng kaibigan.

"Che!" bumalik na si Julie sa upuan and got busy with her phone.

*****

"Julie Anne, take mo na in 5." sigaw ng isang staff.

"Opo." she answered without even looking away from her phone.

"Lapitan mo nga si Julie. Sabihin mo, aayusan siya ng buhok dito." utos ni direk sa staff. Lumapit ito sa dalaga pero di siya napansin nito.

'Bakit hindi ako yung pinili mo?' nabasa niya ang isang text message.

'Babalik ako sayo. I will be back.' basa niya sa isa pang text. Hindi niya alam pero di niya maiwasang hindi tumingin sa phone ng dalaga.

"Julie, aayusan ka na daw ng buhok." she reminded her. Nagulat naman si Julie and looked at her.

"Ay sige po ate." nagmadali naman itong magtype sa phone niya. ‘Maya na ulit. Magshushoot na kami.’ and she hit send. ‘Elmo Magalona’ was the recipient of the message. Napangiti naman ang staff. She admits. Fan siya ng dalawa. And she never expected to be this close to them. At ang makitang may communication ang dalawa. Calling and texting each other. Napatanong tuloy siya sa sarili kung totoo nga kayang may relasyon ang dalawa.

*****

Ms. Pia was at Elmo’s condo to bring him supplies. Tamad na tamad kasing mag grocery si Elmo at lagi lang nakatengga sa unit niya. She observed na aligaga ang anak pero hindi niya ito tinanong. Alam naman niyang magsasalita din ito if he can’t contain his feelings anymore.

"I called her today." he finally said. He was staring at the ceiling while he absent-mindedly pet Melo.

"Really? How was she?"

"She just came from a fever. Told her she’s stressing herself too much kasi."

"Yeah. Very hardworking talaga siya." Ms. Pia replied.

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon