SELOSA

2.2K 27 2
                                    

Elmo Magalona:

Good morning, Julie! What’s your schedule today? 😁

Nagulat siya nang biglang nagmessage nanaman sa kanya si Elmo. Kahapon kasi ay hindi naman ito nagparamdam sa kanya. Actually, hindi naman ito nagparamdam sa kanya mula nung Sunday after nila mag-usap.

Me:

Valenzuela today for Operation Linis by Puregold. Why?

Agad naman siyang nakatanggap ng reply mula rito.

Elmo Magalona:

Okay. Enjoy your day! 😊

Umirap siya sa ere at hindi na nagreply. Nasa biyahe siya ngayon papuntang Valenzuela para nga sa project ng Puregold.

Nagvibrate uli ang phone niya at nakatanggap siya muli ng message kay Elmo.

Elmo Magalona:

If it’s okay with you, pwede ba tayong magkita later? Please? I miss you.

"Wow. May I miss you ka na ngayon ha? Parang kahapon lang…"

"Anak sinong kausap mo?" tanong ni Tito Jonathan sa kanya sabay lingon sa kanya mula sa rearview mirror.

"Ha? Wala po, papa." nakangiting sabi niya.

Nagtype na siya ng message kay Elmo.

Me:

Ikaw bahala.

Pagdating nila sa barangay na lilinisan ay nagpark agad si Tito Jonathan. Hindi muna lumabas si Julie dahil wala pa naman ang ibang kasama nila. Naisip na lang niyang magpicture at ipost ito sa instagram.

Agad naman siyang nakahakot ng pagpuri mula sa mga fans dahil sa bago niyang look. Sino ba namang hindi matutuwa diba? She looked gorgeous with her new hair.

Elmo Magalona:

Nice hair! You looked even prettier. 😊

"Makamessage naman agad. Eh kung nilalike mo kaya? Baka sakaling natuwa pa ko ng konti sayo." sabi niya sa sarili.

"Tara na anak." anyaya ni Tita Marivic saka na sila lumabas.

*****

Maganda ang gising ni Elmo. Bukod kasi sa panalo ang Miami Heat against Brooklyn Nets ay pinayagan siya ni Julie na makipagkita sa kanya.

"Ikaw bahala is the same as yes diba?" tanong niya sa sarili. "Hm. What to do before I see my girl?"

Inabala niya ang sarili sa paglalaro ng xbox habang nagpapalipas ng oras. Sure naman kasi siyang mamaya pa matatapos si Julie sa ginagawa niya at ayaw rin naman niyang kulitin ito. Baka kasi di na siya payagang tibagin yung natitirang pader na nakapalibot sa kanya.

Tanghali na nang magmessage uli si Elmo kay Julie.

Me:

Hey, don’t forget to eat lunch okay? Eat carbs. Wag puro salad. 😁

Agad naman siyang nakatanggap ng message sa dalaga.

Julie San Jose:

I’m eating lunch with the other volunteers. Don’t skip meals too.

Lumapad ang ngiti ni Elmo. Di bale na kung walang emoji o kung tarayan man siya ni Julie. Ang mahalaga ngayon ay may concern pa rin ito sa kanya.

Me:

Message me if your event’s done.

Julie San Jose:

Don’t you have work today?

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon