THE ART OF LETTING GO

2.2K 10 1
                                    

Ilang buwan na ba nang huli siyang makapunta rito? Ilang buwan na ba nang huli niyang makita ang bahay na noon ay parang kanya na rin? Ilang buwan na ba ang nakalipas? 5? 6 months? That’s too long. Way too long for someone whom they treated like family. Feeling niya, first time niya uli magpunta dun. Feeling niya hindi na siya welcome dun.

Lumabas mula sa kusina ang isa sa mga kapatid ng taong binibista niya rito. Ngumiti siya rito pero hindi naman siya pinansin nito. Sa halip ay umupo lang ito sa couch na katabi ng inuupuan niyang couch.

"Wala po sila ate eh. Nagtraining siya tsaka may appointment daw siya sa derma." sabi ng kapatid nito habang nakatuon ang pansin sa phone niya.

Nalungkot siya when she told him that. Akala niya ay makakausap na niya ito. Hindi naman kasi niya ito nakausap for the past 5 days. Actually, hindi na niya ito madalas na nakakausap. Hindi kagaya ng dati.

"Ah. Ganun ba? I thought andito siya eh. Uhm… S-sige I’ll go ahead."

Tumayo na siya at saka na akmang lalabas nang habulin siya ng bunsong kapatid nito.

"Kuya! Bakit wala ka nung birthday ko?"

Napahinto siya sa may pintuan saka lumingon sa bunso.

"Uhm. Nasa Japan kami nun eh. Sorry." he said saka pa matamlay na ngumiti sa batang gustung-gusto siyang kalaro noon.

"Ah. Okay lang po. Sabi naman ni ate, wag na daw kita hintayin nung birthday ko eh. Wala ka daw po kasi. Akala ko may gift ka sa akin. Haha. Sige po kuya. Bye po!" at saka na ito tumakbo paakyat sa kwarto.

"S-sige. Bye, Jac." paalam niya. Tumingin siya sa isa pang kapatid nito saka napabuntong-hininga. Hindi na nga siya welcome. "Uhm… JM, I’ll go ahead."

"Sige po kuya. Pakisara na lang yung gate paglabas mo." sagot nito habang nakatutok pa rin ang mata sa phone niya.

Tumango na lang siya saka na lumabas ng bahay at gaya nga ng bilin ni Joanna ay sinara niya ang gate saka na naglakad papunta sa sasakyan niya.

"Let’s go manong." aniya sa driver niya.

"San po tayo?"

"Sa Timog po. May pupuntahan lang." sagot niya sabay kuha ng phone niya at nagmadaling magtype.

'Hey, can we talk?' text niya rito. Hindi naman siya nakatanggap ng reply kaya naisipan niyang tawagan na lang ito.

"Hello?" he recognized her mom’s voice at parang nanghihina na siya dahil sa hiyang nararamdaman niya sa mga magulang nito.

"Uhm. Hi, tita si Julie po?"

"Nasa loob pa siya Moe eh. Iniwan niya saken tong phone niya. Bakit?" malumanay na sagot nito.

"Uhm. Nasa derma po ba kayo? I want to see her po sana."

"Ganun ba? Ano kasi Elmo eh…"

"I’ll be quick lang tita. I just need to talk to her. Please po?"

"Eh… Oh sige. Bilisan mo lang ha?"

"Thanks tita." saka na niya tinapos ang tawag.

*****

Nang matapos siya sa treatment ay lumabas na siya sa procedure room para daluhan ang mommy niya.

"Ma, tara na po?" anyaya niya rito.

"Eh anak, may kakausap pa raw sayo eh." sabi naman ng mama niya.

"Ha? Sino po?"

"Hi, Julie." bungad ng isang lalaki. Nanlaki ang mga mata niya saka pa siya napakunot ng noo.

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon