SURPRISE

3.4K 13 0
                                    

Kasalukuyang ginaganap ngayon ang storycon para sa bagong palabas ni Julie. Oo malungkot siya dahil hindi ang taong malapit na malapit sakanya ang makakapareha niya pero alam naman niya ang dahilan nito kaya masaya narin siya. Naiintindihan niya ito.

Nang malapit na matapos ang storycon ay biglang tumunog ang cellphone niya.

* 1 message from Baby *

'Baby, andito lang ako sa may lobby. I'll wait for you here.'

Nagtaka naman si Julie dahil hindi niya alam na pupuntahan pala siya nito.

'Hey I didn't know na pupunta ka.' Mabilis na reply sakanya ni Julie.

'I just wanna see you. I'll wait here okay. I love you.'

'Cheesy mo talaga. Patapos na 'to. See you later. I love you too baby.'

Matapos ang halos isang oras ay natapos na nga ang storycon. Agad namang pinuntahan ni Julie ang nagaantay sakanya sa lobby.

"Elmo!" Bati sakanya ni Julie.

"Hello baby. Wait bakit Elmo lang tawag mo sakin? At bakit lukot nanaman yang mukha mo?" Pagtatakang tanong niya kay Julie.

"Kasi naman po, pagkatapos ng storycon ang bumungad na balita sakin eh nakita nanaman daw kayong magkasama kanina." Nakasimangot na sabi ni Julie.

"So nakarating na pala sayo."

"Oo! Ako pa ba? Baka kaya ka pumunta dito dahil dun. Magpapagood shot ka. Ano ha Elmo?" Medyo inis ng sabi ni Julie.

"Hey baby that’s not true. Gusto talaga kita makita. Tsaka alam mo naman na magkaibigan lang kami."

"I know that. Pero siya alam ba niya?" Mataray na sagot ni Julie.

"Alam mo ikaw, napakaselosa mo."

"May dapat naman kasing pagselosan."

"Baby alam mong wala. Napaparanoid ka lang. Wala talaga yun. We’re friends. Nothing more. Nag-iisa ka lang." Malambing na sabi ni Elmo.

"Naku ha, siguraduhin mo lang ah." Nakapout na sabi ni Julie.

"Opo. And please stop pouting. Sige ka hahalikan kita."

"Edi gawin mo! Walang pumipigil." Nakasmile na sagot ni Julie.

"Seryoso ka ba?"

"Mukha ba kong nagbibiro ha Magalona? Kung ayaw mo edi wag!" Mataray na sagot ni Julie sabay lakad palayo.

"Hey baby! Ikaw naman masyado kang highblood. Halika nga dito." Sabi ni Elmo sabay hila kay Julie at mabilis na hinalikan ito sa labi at mahigpit na niyakap.

"Huy! Nambibigla ka naman. Halik agad agad ganyan?" Sagot ni Julie at yumakap din ng mahigpit kay Elmo.

"Eh sabi mo eh." Natatawang sagot ni Elmo.

"Huy wala akong sinabi ah!" Sabi ni Julie sabay tulak kay Elmo.

"Oo na hindi na. Kasalanan ko na. Tama na baka mag-away pa tayo eh. Halika na dito. Payakap na ulit please." Paglalambing ni Elmo sakanya. Lumapit naman si Julie sakanya at niyakap siya.

"Baby may shoot pa ko para sa SAS." Sabi ni Julie habang nakayakap parin kay Elmo.

"Alam ko baby. Sinabi na sakin ni parekoy."

"Ha? Kelan?" Takang tanong ni Julie.

"Kanina pagdating ko dito nagkita kami. Pinaalam ko na ako nalang maghahatid sayo pauwi."

"Pumayag siya?"

"Oo naman. Kelan ba tumanggi sakin si parekoy?" Nakangising sagot ni Elmo.

"Ang confident mo talaga." Sabi niya sabay hampas ng mahina kay Elmo.

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon