BIRTHDAY GIRL

2.1K 22 1
                                    

May 16, 2014

It was a day before her birthday. Standby lang siya sa dressing room ng Broadway Centrum kasama nila Camille Prats at Bobby Andrews. Nagkkwentuhan sila ni Camille habang nagbabasa siya ng tweets tungkol sa guesting niya sa Basta Everyday Happy which was taped last Wednesday. Natatawa siya dahil sa mga tweets ng fans niya lalo na ang mga nanuod ng taping that day.

"Oh. Tawa ka nanaman nang tawa diyan." ani Camille sa kanya.

"Ang aadik lang kasi nung fans ate eh. Nawalan daw sila ng dignidad sa kaadikan nila last Wednesday."

"Bakit? Ano bang meron?" tanong ni Camille.

"Nagtape po kasi ako ng isang episode for Basta Everyday Happy. It was a birthday episode. Tapos studio audience yung mga fans. And yun. Ang iingay nila sa twitter kasi nawalan daw sila ng dignidad sa pinaggagawa nila nun. Hahahaha." tumatawang kwento niya.

"Haha. Mga fans mo talaga no? Manang-mana sayo."

"Nako. Mga adik yang mga yan eh. Hahaha."

"Pero you’re very lucky to have them, Julie." ani Camille. Ngumiti siya rito at tumango.

"Oo naman po. They’ve been with me through thick and thin. Kulang na lang sa aming lahat kasal. Hahahaha. Daig pa nga nila minsan si mama at papa sa mga paalala eh."

"You’re really lucky to have them."

"Sobra po. Kaya di ko din sila iiwan. Together forever kami ng Adiks." nakangiting sabi niya.

"Eh oo nga pala. Si Elmo? Kamusta na?"

"Si Elmo po? Ayun. Elmo pa din. Hahaha."

"Huh? What do you mean, Elmo pa din?" pagtataka ni Camille.

"Muppet pa rin po." tipid na sagot niya.

"Hindi naman sa Sesame Street yung sinasabi ko Julie eh. Si Elmo Magalona! Hahaha." natatawang sambit ni Camille saka pa siya hinampas sa legs.

"Ah. Si Moe? Ewan ko po. Busy yun eh."

"Sa promo? Haha."

"Adik ka ate! Wag kang ganyan. Pinaghirapan niya yun. Hahahahahahaha."

Nagtawanan silang dalawa at nagkwentuhan pa hanggang sa tinawag na sila para sa segment nila.

Pagkatapos niya sa Eat Bulaga ay nagtungo siya sa GMA para sa rehearsals ng prod niya sa Sunday.

"Ayan na ang birthday girl!" sabi ng mga dancers na makakasama niya.

"Bukas pa guys! Hahaha." sabi naman niya.

"Excited lang kami. Hahaha." ani Japoy, isa sa dancers.

Nagrehearse na sila ng prod niya at hindi nagtagal ay natapos din naman yun.

"Oh. Uuwi ka na ba?" tanong sa kanya ni Japoy.

"Yup. Pahinga. Kayo din uwi na kayo." sabi niya rito.

"Mamaya pa kami eh. May irerehearse pa kasi kami. Ingat, Julie!" paalam ni Japoy.

"Okay. Ingat din kayo. Bye guys!" paalam niya naman.

"Bye, Julie!" paalam ng lahat.

Pagkauwi niya sa bahay ay nagshower siya at nagbihis bago humiga sa kama at nagsimulang maglaro ng High Noon 2.

Natutuwa siya kapag may nakakalabang Adiks lalo na pag natatalo niya at naghihimutok sa twitter.

"Ang aadik talaga ng mga to." sabi niya.

Narinig niya ang katok mula sa pinto at sumilip si Tita Marivic mula dun.

"Anak, halika muna sa baba. Kain na tayo." sabi ni Tita Marivic.

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon