15

2.2K 18 2
                                    

Ang aga-aga pero badtrip na badtrip agad siya. You could say that she woke up on the wrong side of the bed. Bumangon siya at saka nilibot ang paningin sa kabuuan ng hotel room nila sa Antique.

"Julie anak, magready ka na. Pupunta na tayong airport." ani Tita Marivic.

Pupungas-pungas siyang tumango saka na naghanda para sa pagbalik nila sa Manila.

"Ts. Ako nagseselos sa kanila? No way. I’m better off without him." aniya habang naglalagay ng shampoo sa buhok. "Hindi ko ikamamatay ang panliligaw niya sa bagong kaloveteam niya." dagdag pa niya.

Nang matapos siyang maligo at magbihis ay naabutan niya ang mama niyang nakaupo sa kama at inaayos na ang mga gamit nila.

"Sa airport na lang siguro tayo kakain anak. Yun ang sabi sa akin ng staff." sabi ng mama niya.

"Okay po, ma. Tara na po?" anyaya niya. Tumango na si Tita Marivic saka na sila lumabas at bumaba sa lobby kung saan sila hinihintay ng mga staff na kasama nila sa regional show niya kagabi.

Pagkadating nila sa airport ay agad silang nagcheck-in at naghintay ng oras.

"Mommy, delayed po tayo ng 2 hours." sabi ng isang staff sa mama niya.

"Ganun ba?" ani Tita Marivic.

"Okay lang yun, ma. Wala naman gagawin ngayon eh. Rehearsals lang and mamaya pa naman yun."

Naisipan niyang magtweet na lang na delayed ang flight nila at pagkatapos nun ay nagbasa na lang siya ng mga tweets. Nagulat siya nang biglang nagpop-up ang isang message sa viber.

"Huh?" napasabi siya ng malakas.

"Bakit anak?" tanong ng mama niya.

"Ha? W-wala po." she replied. She opened the message and was surprised to see who it was from.

Elmo Magalona:

Delayed flight? Bummer. Good morning Julie! 😊

Bati ni Elmo sa kanya.

"Aba at pabati-bati na lang ng Good Morning ha? Sakalin kita diyan eh." bulong niya sa sarili.

*****

Nakangiti si Elmo habang hinihintay ang reply ni Julie sa kanya. Sakto kasing nagllurk siya sa twitter ay bigla itong nagtweet about sa delayed flight nito.

"Smh kasi di tayo magkasama ngayong delayed flight ka. Haha." mahinang sabi niya. Lumapad naman ang ngiti niya nang nagreply na ito.

Julie San Jose:

Yeah. Good morning too, Elmo.

"Ouch. No emoji." reklamo niya.

"Hey. Have you gone mad? Mag-isang nagsasalita?" puna ni Alden sa kanya.

"Ha? Ts. Hindi. May kausap kasi akong robot." sabi niya.

"Ewan ko sayo, idol. Diyan ka na nga." ani Alden saka na ito umalis sa pwesto nila.

Nagtuon na uli siya ng pansin sa phone niya saka na nagtype uli ng message dito.

Elmo Magalona:

Your birthday is coming up! 15 days to go! 😁

Nakangiti siya ulit na naghintay sa reply nito at napakunot ang noo nang mabasa ang sagot ni Julie.

Julie San Jose:

I know when’s my birthday. Anyway. I have to go, Elmo.

"Ouch. Robot na talaga." he said. Napailing na lang siya tsaka na lang nilagay ang phone sa bulsa niya at nakisalamuha na lang sa ibang mga kasama nila.

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon