CHAPTER 2 ~ 1 ~

113K 2.7K 370
                                    

CHAPTER 2

ATHENA'S POV

Pakiramdam ko ay beauty queen ako sa kinaroroonan ko. Kulang na lang kumaway ako na animo nanalo sa Miss Universe. Pinagtitinginan kasi ako. Hindi lang ng mga lalaki kundi maging ng mga babae.

And of course hindi ko lang imahinasyon iyon. Ganoon talaga kapag dyosa, kahit saan pumunta may nakatingin. Hindi kasi applicable sa magagandang katulad ko ang kasabihan na "It's rude to stare".

Ewan ko ba. Ang hirap nga eh. Pero anong magagawa ko? Napakadyosa ng nanay ko at out of this world naman ang kagwapuhan ng tatay ko. Syempre nang magsanib pwersa ang isang Althea Evangelista-Lawrence at Craige Lawrence ay kahit gustong hadlangan ng mundo ay nabuo pa rin ako. Dapat talaga hindi ko na sinuot itong pulang dress na paborito ko. Kapag sinusuot ko kasi 'to lalo akong gumaganda.

"I'm sure you're praising yourself again."

Nilingon ko ang nagsalita at napangisi ako nang makita ko kung sino iyon. "Ang tagal mo ha? Ikaw lang talaga ang naglalakas ng loob na paghintayin ang kagandahan ko."

"Hindi lang naman ako ang lagi kang pinaghihintay."

Sandaling nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil parang may malaman ang sinabi niya pero pagkaraan ay ibinalik ko rin ulit iyon. Ayokong-ayoko talaga ng nawawalan ng ngiti sa mga labi. Nakakapangit daw iyon sabi ng dyosa kong ina. "Masyado kang serious. Halika na nga." pagkasabi niyon ay umabrisete ako sa kaniya.

Taas noong naglakad ako na para bang rumarampa ako sa cat walk imbis na sa mataong mall na kinaroroonan namin. "Sa lahat talaga ng araw ngayon mo pa napili no?"

"Malay ko ba sa schedule mo." maikli niyang sagot at hindi na nagpaliwanag pa.

As usual. Hindi kasi si Stone ang tipo ng lalaki na bibigyan ka ng mahabang paliwanag. Iyong tipo na parang pahuhulaan niya pa sa iyo ang iniisip at mga kilos niya. May pagkaprangka rin siya.

Isa iyon sa dahilan kung bakit nagkaroon kami ng sandaling relasyon noon. Nakakasawa na rin kasi na makisama sa mga lalaki na gusto ang isang madramang relasyon. Iyong bang kailangan isang beses sa isang linggo ay may dramang magaganap o kung hindi man ay iyong klase ng lalaki na walang ginawa kundi ang purihin ako.

Hindi ko kailangan ng ganon. Pagpuri ko pa lang sa sarili ko sapat na.

"Anong gagawin natin dito sa mall?" tanong ko sa kaniya. "Ang cliche naman ng napili mo na lugar."

"Alangan namang sa hotel kita dalin."

"Pwede rin. Para tapos na agad 'tong drama na 'to." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Ano na nga?"

"Bahala ka."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Kailangan ba lahat na lang sa akin? Nasa akin na nga lahat ng kagandahan pati ba naman pagdedesisyon? "Whatever. Pumunta na lang tayo sa shoe store. Kailangan ko ng bagong pumps."

"Na kulay pula."

"Oo. May angal?"

Tumingkayad ako at inilapit ko ang mukha ko sa kaniya na parang naghahamon ng away. Kailangan ko talagang tumingkayad dahil higante si Stone. Nakakapagtakang hindi masyadong katangkaran sina Storm at Sky samantalang quadruplets sila. Siya at si Blaze lang ata ang nabiyayaan ng height.

Nagbaba siya ng tingin sa akin. Dinutdot niya ang noo ko gamit ng hintuturo niya at ibinalik ako sa natural ko na pagkakatayo. "Wala."

Nakaangkala sa kaniya na tinungo namin ang paborito ko na shoe store. Nang makarating doon ay iilan lang ang mga taong nasa loob. Karamihan sa mga babae na nagsusukat ay may tambak ng iba't ibang disensyo ng mg sapatos sa tabi.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon