CHAPTER 19 ~ Seduction ~

82.3K 2K 163
                                    

CHAPTER 19

ATHENA'S POV

"Infernes no? Ang gwapo rin niya talaga."

Bahagya akong napapitlag nang ang kaninang animo normal na lalaki lang na umiinom ng kape na para bang wala siyang pakielam sa mundo ay nakatingin na ngayon sa kinaroroonan ko, sa pangalawang palapag ng isang gusali sa harapan ng Cafe' Yvana kung saan siya naroon.

"I know he's gay, Athena but stop ogling him." I heard Fiere said on the other line of our listening device while still looking straight to my binoculars.

Ngumuso ako kahit alam ko namang hindi niya ako nakikita. "Oy inosente ang comment ko. Inaappreciate ko lang kung ano ang nakikita ng mga mata ko."

Napangiti ako ng bahagya siyang mapailing bago niya muling iniangat ang tasa ng kape niya at uminom. Umiinom lang siya ng kape pero para siyang model ng mamahaling brand ng kape at may photoshoot siya para akitin ang mga makakakita na bumili ng kape na ineendorse niya. Bigyan ako ng limang truck, pronto! Akit na akit ako hoyeh!

Naputol ang lihim na pangmamanyak ko sa lalaki nang bumalik na mula sa loob ng restaurant ang "alaga" namin ngayon at umupo sa inookupa ng isang babae na posturang-postura. Katabi lang nila halos ang kinauupuan ni Fiere. Ang "alaga" namin ay walang iba kundi si Derek Sullivan. My gay ex.

Nakita kong napatingin si Derek sa kinauupuan ni Fiere at sandaling naglagi ang mga mata niya sa lalaki. Nang ibalik niya ang tingin sa asawa ay imbis na katulad ng inaasahan na nakatingin din ito kay Fiere ay kay Derek lang ito nakatingin at walang makikitang emosyon sa mga mata ng babae. Bruha ka talang baklita ka! Kaya gusto kang ipa-tegi ng asawa mong psycho eh! Lande!

"Hindi naman siguro siya lalasunin ng asawa niya in broad day light." bulong ko habang nananatili sa puwesto ko.

"You're right about that, genius." Napaismid ako ng marinig ko ang isa pang nagsalita. Si Blaze na ngayon ay kadadating lang sa Cafe' Yvana. "But you're only right with one thing."

Bumuka ang bibig ko para magsalita pero agad naputol iyon nang marinig ko ang mahinang tunog na nanggagaling sa relos ko. Mahinang napamura ako bago ko ibinalik sa bag ko ang binoculars at isinukbit iyon sa mga balikat ko bago nagmamadali akong lumabas ng kwarto sa Inn na tinutuluyan ko.

Tremble, my BHOCAMP watch device is currently alerting me that a vehicle crossed the alarm we set around the place. But it's not just an ordinary alarm for vehicles but rather, vehicles that carries quite an amount of guns. Maaari kasing may bitbit lang talaga na baril ang isang tao for defense purposes. Pero kapag marami ang mga iyon ay imposibleng normal pa rin iyon na sitwasyon. Tremble can also detect armed moving in groups. Though it can also detect individuals with guns, malakas ang alarm ng Tremble kapag nadetect nito ang sitwasyon bilang mapanganib.

"Sullivan's wife won't kill him. Not with poison." muling wika ni Blaze.

Saktong pagkalabas ko ng gusali ay siyang pagtakip ni Blaze sa mukha niya gamit ng isang itim na mask na kumumpleto sa itim niyang get up at black baseball cap. Sa panggigilalas ko ay humugot siya ng baril mula sa holster niya at itinutok sa langit iyon.

He fired his gun...and then everything turn into chaos.

Nagsigawan ang mga tao at kaniya-kaniyang pulasan ang mga ito. Maliban na lang sa asawa ni Derek na nakita ko pang bahagyang napangiti na saglit lang nagtagal at napalitan ng pagtataka ang anyo. That too only lasted for a few seconds and was replaced with fear.

You witch. Mabilis na tumakbo ako palayo sa Cafe' at tinahak ang daan sa kinaroroonan nang nakikita ko sa Tremble. Ngunit bago iyon ay namataan ko si Blaze na tinutok ang baril kay Derek.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon