CHAPTER 14 ~ Replica ~

100K 2.8K 553
                                    

CHAPTER 14

ATHENA'S POV

"It's been two days, Craige. Sinabi ng lalaki na iyon na ibibigay niya sa atin ang bata pero hanggang ngayon hindi pa rin siya tumatawag. Hinayaan kita sa gusto mo pero this time ako naman ang pakinggan mo."

"Thea-"

"You confined your daughter in this place. She's not sleeping and she's not eating. Wala na siyang ginawa kundi umiyak."

"I'm weighing our options. Kung kukunin natin ang bata tiyak na sasampahan tayo ng kidnapping. Sooner or later Athena and that man will battle for the custody of the child."

"Aiden Hall wants the child out too from that house." my mother hissed in frustration.

"Pero iniipit siya ng ama ng asawa niya. I know that man, Althea. He will not only drag down Athena but also the child. Let's not make this harder for our daughter and our granddaughter than it already is."

"Walang mahirap para sa atin. With all the connections BHO CAMP has, ang daling pulbusin ng mga pangit at hampas lupa na 'yon."

Tumikhim ako dahilan para mapatigil sila sa pagtatalo at mapatingin sa akin na nakatayo sa may pintuan ng library. Hindi ko gustong lumabas ng kwarto ko pero hindi ko rin kayang suwayin ang ama ko na pinapatawag ako.

I've been staying in my room from the past two days. Dinala ako rito nila Mama sa "mansyon" kung tawagin namin ni kuya dahil hindi ko magawang pumasok sa BHOCAMP. Because of shame, guilt...and because I don't want to hurt him more.

After I left Fiere, I was tracked down by my parents a few miles from BHO CAMP. Ilang oras akong nanatili sa kotse ko at hindi malaman kung saan pupunta.

They brought me home. Doon ko nalaman na kumainlang lang din nila nalaman ang tungkol sa itinatago ko. They knew longer than Dawn did. My father saw Ainsley a year ago in a mall in Manila. Noong una naaliw lang siya dahil kita niya ang malaking pagkakamukha namin ni Ainsley. She's my exact replica when I was her age. Pero nang makita ni Papa si Aiden ay doon niya nagawang pagtagni-tagniin ang lahat.

"I can leave if you want." I whispered. "I didn't mean to snooped. Pinapatawag daw ako ni Papa."

"Of course you can stay, Athena." my father immediately said, rising up from his chair.

Pinaikot ni Mama ang mga mata niya at tumayo. Lumapit siya sa akin at iginaya papasok. "You're father was just being difficult. Alam mo na tumatanda kaya ang hirap ng kausap."

"Althea."

"Totoo naman. I love you, dearest husband, at ikaw pa rin ang pinakagwapo dito sa Earth at kahit sa planeta ng mga bitter, gwapo at aliens pero lalong pinatigas ng panahon ang ulo mo." kumindat ang ina ko sa akin bago muling tumingin kay Papa. "And of course because you're a father."

Naiintindihan ko kung anong gustong iparating ni Mama at alam ko na alam din iyon ni Papa na napapabuntong-hininga na lang. Tama naman ang ama ko. Ainsley is too young to be drag down by this kind of issue. Hindi titigil ang pamilya ni Pauline dahil desperado sila.

I also agree with my mother, BHO CAMP can create chaos for Pauline's family. It will be messy and it will affect not only me who created this mess, my daughter, but also my family who've done nothing but love and protect me.

But as Athena Lawrence, the daughter of Craige and Althea Lawrence, I know one thing that I should have never forget. Hindi nawawala ang problema o pagsubok sa buhay. My life with my parents were not smooth sailing. Ilang beses na nalagay ang mga buhay namin sa panganib kahit ng mga bata pa lang kami ni kuya. Ilang beses na nadidikit ang mga pangalan namin sa gulo. It was inevitable because we are who we are.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon