CHAPTER 11 ~ Island ~

89.6K 2K 95
                                    

CHAPTER 11

ATHENA'S POV

"Hindi ka pwedeng lumapit sa club members o guests. Trabaho iyon ng ibang mga empleyado. Kung anong trabaho lang ang pinasukan mo dito 'yon lang ang iintindihin mo."

Naririnig ko ang sinasabi ng manager ng Club Paradise na si Mayette Esteban pero hindi sa kaniya nakatuon ang atensyon ko kundi sa kumpulan ng apat na lalaki sa mahabang sofa na naririto sa lobby. Kung hindi ako nagkakamali, ang mestesuhin na lalaki na animo hindi Pilipino ang may-ari nitong Club Paradise.

Renzo Cavas.

"Nakikinig ka ba sa akin?"

Napakurap ako at ibinaling ko ang mga mata ko sa babae. "Oho. Hindi po ako lalapit sa club members at guests. Pwede lang akong lumapit sa kanila kapag nalulunod na sila dahil iyon ang trabaho ko."

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Mula ng umapak ako dito sa isla at nagtama ang mga paningin namin hanggang sa naikot niya na ako sa mga vicinities mapasahanggang ngayon na nasa lobby na kami ulit ay hindi na ata umayos ang mukha ng manager na ito. Daig pa niya ang nakakain ng sampung kalamansi sa sobrang asim ng pagsalubong niya sa akin. Na-threaten ata sa kagandahan ko. I'm sorry Miss Esteban. Pinipigilan ko naman eh pero ang hirap. Ang hirap maging in born na dyosa.

"Napansin ko na tinitignan mo sila Sir Cavas. Kung ako sa'yo ay hindi na ako magtatangka na lumapit sa kanila."

"Ay bakit naman po?" tanong ko bago ko pa mapigilan ang dila ko. Nang muling maningkit ang mga mata niya ay nag peace sign ako sa kaniya at ngumisi. "Sabi ko nga po. Hindi ko trabaho ang lumapit sa kanila. Roger that Ma'am!"

Umismid siya at padabog na inabot sa akin ang ID ko. Pinigilan kong mapangiwi nang makita ko ang nakasulat na pangalan doon. Antonia Limliman. Wow. Napakagaling talaga ni Freezale.

"That's my idea actually!"

I fought the urge to roll my eyes when I heard Hera's voice in my listening device. Of course. Bakit ko ba nakalimutan na dakilang tambay si Hera nitong mga nakaraang araw sa control room? Malamang sa hindi napagtripan na naman ako ng baliw.

Hindi ko siya masisisi. Sobrang boring naman kasi talaga sa control room. Si Freezale lang ata ang namamalagi roon na hindi lumalabas na may kabute na na tumutubo. Napagtripan lang naman ni Hera na tumambay sa control room para wala daw siyang gagawin masyado unlike sa field missions.

Pero mas gusto ko pa rin 'to dahil mas gusto ko ng may maraming gawin kesa ma-bored ng sobra. And now here I am on a beautiful island wearing a life guard outfit which means board short and a tight shirt which hide my bikini top, and of course my hidden mic and LD.

"Ang ganda talaga dito, wew! Kahit ata magwalis ako sa buong resort parang hindi ko mararamdaman na nagtatrabaho ako." sabi ko na hindi naman kay Esteban pinaparinig kundi sa mga tao sa control room.

"Oo na. Oo nga! Psh. Magbabakasyon din ako soon no!"

Lumawak ang ngiti ko sa narinig kong sinabi ni Hera na malamang sa hindi ay nakasimangot na ngayon at naiinggit.

"Hindi mo trabaho 'yon. Hala sige pumunta ka na sa stasyon mo." masungit na sabi ni Miss Esteban.

Nakangiti pa rin na sumaludo ako sa kaniya at naglakad na ako palabas. Hindi biro ang sinabi ko kanina. Totoong maganda ang lugar. Hindi katulad sa ibang resorts ay hindi crowded dito at malinis malinis ang paligid.

Villa style ang mga tulugan ng Club Paradise. Ang restaurant naman ay nasa kaliwang bahagi ng main office. May mga nakatayong puti na tent doon, mga lamesa na mahaba ngunit maliit at ang mga upuan ay mga throw pillow na nasa ibabaw ng picnic blanket.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon