CHAPTER 10 ~ Unveiling ~

75.6K 1.8K 79
                                    

CHAPTER 10

ATHENA'S POV

"Hera, ibaba mo 'yan bago ka pa makapatay. Madudumihan ang sahig dito kapag dumanak ang dugo niyan."

Bumaling sa akin ang nagbabagang mga mata ni Hera na hindi pa rin binibitawan ang flower vase. I know my best friend well. Bashing Aiden's head would be like throwing a tantrum for her. In short, insignificant si Aiden at hindi niya mababagbag ang konsensiya ni prinsesa Hera.

"Don't tell me concern ka sa hampaslupa na 'to?"

"Watch your mouth, Scott." nangangalit ang ngipin na asik ni Aiden.

Nanatiling nakatingin ako kay Hera na animo hindi ko narinig ang sinabi ng babae. "No, duh. Concern ako sa marble floor ng BHO CAMP. You know? Even with Kuya Triton being the head of you-know-what, my father still own a huge percentage of this place. Sa sobrang tagal ng nakatayo ang lugar na 'to baka mas mataas pa ang value ng mga bato dito kesa sa kaluluwa ng..." tinapunan ko ng tingin si Aiden. "Ibang mga tao rito."

Masama ang tingin sa lalaki na inabot ni Hera ang flower vase sa isa sa mga junior agent na si Rae. "Pakilibing ang mga bulaklak na 'yan pati na ang vase. Ayokong makita 'yan dito at hindi tao ang nagbigay niyan."

Napapakamot sa ulo na sumunod ang babae at tumalikod na para gawin ang inutos ni Hera. Lumapit ako sa kaibigan ko at tinapik ko siya ng mahina sa balikat. "Mauna ka na, Hera. May pag-uusapan lang kami."

Bumuka ang bibig ng babae para magprotesta pero pinanlakihan ko lang siya ng mga mata. At dahil hindi lang kami magkaibigan kundi super best friends, alam kong naintindihan niya ang ipinaparating ko. Kailangan niyang i-divert ang atensyon ng mga agent mula sa amin ni Aiden.

Binigyan niya ng huling pamatay na tingin ang lalaki bago siya naglakad paalis. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay nilingon ko si Aiden.

"Now let's talk." I said with a hard voice.

Nilagpasan ko siya at nagtuloy-tuloy ako sa labas ng establishimento. There's no way I'm letting him inside where everyone can see us. Mukhang hindi pa naman ganoong ka-insensitive ang lalaki dahil sumunod naman siya sa akin sa labas.

"Is this how you treat visitors, Athena?"

Okay. There's no hope for him. He's fucking insensitive. "No. Sobrang hospitable ko pa nga sa bisitang katulad mo. Kasi kung sasamaan ko pa ang ugali ko baka nasa highway ka na."

"Athena-"

"Bakit ka pumunta rito?" diretsong tanong ko at pinutol kung ano man ang sasabihin pa niya.

"I want the truth."

"That you don't deserve to know?" Inangat ko ang isang kamay ko ng bumuka ang mga labi niya para sagutin ang patutsada ko. "Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob para puntahan ako rito at para tanungin ako ng mga bagay na matagal ng hindi sa iyo ang karapatan na malaman."

Lumapit siya sa akin at mariin na hinawakan ako sa braso. "Athena, kung sinabi mo sa akin ang totoo dapat tayo ang magkasama ngayon. Dapat masaya tayo kung hindi ka nagsinungaling."

I know I shouldn't feel anything. Alam ko na dapat hindi na ako masaktan. But this man...this man is a person I once loved. A person that I loved and betrayed me.

"There's a lot of times that I blamed myself for that. Naisip ko kung sinabi ko ba ang totoong ako sa'yo, hindi ka ba mawawala? Paulit-ulit kong naiisip 'yon, Aiden." hinawakan ko ang kamay niya at marahas na inalis ko iyon. "But you know what? I learned to value myself more and stopped myself from thinking that way. Kasi hindi ako ang nagkamali. Hindi ako ang nagkulang. Marami man akong naging mali...but I won't take that fault because it wasn't mine to take."

BHO CAMP #6: The Sweet SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon