CHAPTER 23 ~ Plan ~

67.3K 1.8K 206
                                    

CHAPTER 23

ATHENA'S POV

Nakapalumbaba ako habang pinagmamasdan ko si Ainsley na ngayon ay seryosong-seryoso na nakatingin sa board game sa harapan niya. Sa sobrang konsentrasyon niya akala mo ay lumalaban talaga sa tournament. Nakaupo naman sa harapan niya ay ang kalaban niya na si Fiere na umaakto ring seryoso sa laro nila.

Akala mo chess ang nilalaro eh. Snake and ladders lang naman.

Naalis ang atensyon ko sa kanila ng maramdaman ko na may tumabi sa akin. Napaangat ang kilay ko nang makita ko si Aiere doon na inirapan ako nang makitang nasa kaniya ang atensyon ko at pagkatapos ay inagaw ang baso ko ng orange juice na hindi ko naman masyadong nainuman.

"Wow. Hindi ko alam na nandiyan na tayo ng level ng closeness at nakikiinom ka na sa baso ko?" pang-aasar ko sa kaniya.

"Tigilan mo ko. Nauuhaw ako."

"Pwede naman kitang bilan." offer ko nang makita kong pinagpapawisan din siya. "Mayaman ako."

"Mayaman din ako."

Napakamot ako sa pisngi ko. Minsan talaga ang sarap kurutin ng kapatid ni Fiere eh. Kung hindi ko lang mahal ang kuya niya at sa takot na baka ipatapon ako sa bulkan ng parents niya baka matagal ko na siyang itinulak sa pinakamalapit na swimming pool. Swimming pool lang. Hindi kayang magbigay ng mabigat na threat ang katauhan ko sa mga taong konektado sa sinisinta ko.

"Kuya order mo akong food." sabi ni Aiere sa kapatid niya.

Sandaling tinignan ni Fiere ang kapatid niya bago niya tinawag ang isa sa junior agent na naka-duty. Kaagad namang nakuha ang order ni Aiere na mukha pa ring bad mood.

"Ano na namang ginawa sayo nila Mama?" tanong ni Fiere na binalik ang atensyon sa board game nila ni Ainsley.

"Kinuha 'yung wallet ko na syempre alam naman nating lahat na mababawi ko din mamaya dahil either makonsensiya sila o pupuslit ako sa office nila at kukunin 'yon." nakahalukipkip na sabi ni Aiere.

"For what reason?" Fiere pressed.

"Pinipilit nila akong makipag date sa anak ng kaibigan nila. Sinabi na nila sa akin 'yon before at tumanggi na ko. Ayun pinatawag ako nila Mama sa ospital tas nagulat ako nando'n iyong lalaki. Bumisita daw kasi doktor din. Like I care." litanya ni Aiere na namumula ang mukha sa inis. "I don't want to date, okay? Para saan pa? Sakit lang ng ulo 'yan. Kahit pa presidente 'yan ng isang bansa o prinsipe wala akong pakielam. Minamadali lang nila ako kasi kahit hindi niyo ipagsigawan at aminin sa buong BHO CAMP, alam nila Mama na maayos na ang love life mo."

Napakagat labi ako nang tumingin samin si Ainsley. Alam ni Fiere na hindi ako komportable pag-usapan ang mga ganitong bagay sa harap ng anak ko. Hindi rin namin pinapakita sa kaniya na sobrang magkalapit kami. Ayaw na namin makadagdag sa uncertainty ni Ainsley sa mga nangyayari sa amin ngayon.

Fiere looked at his sister pointedly and grab the food that Franco was about to place on the table. Piniraso ni Fiere ang sandwich at isinubo sa kapatid niya. "Wag ka ng maingay diyan at kumain ka na lang. Naiistorbo mo kami sa paglalaro namin malapit pa naman na akong manalo."

Ngumuso si Ainsley. "I'm the one who's winning."

"Ako kaya." sabi ni Fiere.

Binigyan ni Ainsley ng little Athena version na pagtaas ng kilay si Fiere at pagkatapos ay kinuha niya ang piece niya at ginalaw iyon. Tumapat iyon sa ladder at nakaakyat agad si Ainsley ang mas mataas kay Fiere. Smug na ngumiti siya kay Fiere.

BHO CAMP #6: The Sweet SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon