CHAPTER 9 ~ Visitor ~

73.2K 1.8K 109
                                    

CHAPTER 9

ATHENA'S POV

Una kong naramdaman sa narinig? Mawasak ang puso habang pinakukuluan iyon sa asido? Nah. Sa ganda kong to mukha bang kinulang ako sa utak? "Ikaw ang girlfriend ni Fiere?" tanong ko.

"Yes." mayabang na sabi ng babae na tinaasan pa ako ng noo. "Can you leave us alone? Nakakaistorbo ka na kasi. Marami pa kaming mahalagang pag-uusapan."

Pinigilan ko ang mga kamay ko na gusto ng kalmutin ang babae. Relax lang tayo. Sayang ang manicure. "Wait! OMG! Ikaw ba si Athena? Athena Lawrence?" tanong ko ulit at tumalon-talon pa sa kinatatayuan na para bang tuwang-tuwa kahit kabaligtaran niyon ang nararamdaman ko. "Matagal ka ng kinukuwento sa akin ni Fiere."

"Y-Yes, ako nga. Sino ka ba?"

Nawala ang ngiti sa mga labi ko at pinukol ko siya ng nagbabagang tingin. Kung nakatayo lang siguro ang babae ay nabuwal na siya dahil ngayon pa lang ay kulang na lang umatras siya sa pagkakaupo sa nakitang pagbabaga ng emosyon sa mukha ko.

"Out." I hissed.

"W-What? Sino ka para paalisin ako? I'm his fiancee!"

Nagpalingon-lingon ako sa paligid. Ano bang magandang ihampas sa delusyunal na babaeng 'to? Iyong hindi siya masyadong masasaktan. Lamesa kaya?

"This is our night for celebration so will you please just go? Sobrang nakakaistorbo ka na." maarteng sabi ng babae na isinandig pa ang ulo sa balikat ni Fiere.

Isang malakas na tili ang pinakawalan ko na sinundan ko pa ng pagpadiyak ng mga paa nang hindi ako makuntento. Sa kabila ng malakas na musika ay naramdaman ko ang pagpukol ng atensyon sa amin ng mga tao hanggang sa tuluyan ng humina ang tugtog. It's one of my talent. Ang sabi ni Mama noong baby pa lang ako kaya ko raw bumuhay ng patay sa sobrang lakas ng iyak ko.

"Athena!"

Napatigil ako sa pagtili at binalingan ko si Fiere na pupungaspungas na tumayo at lumapit sa akin. Hindi siya makalakad ng tuwid pero nagawa niyang makalapit sa akin. "God, what's wrong?"

Matalim ang tingin na tinuro ko ang babae na namutla pagkarinig sa tinawag sa akin ng lalaki. "I want her out. Now."

Hindi man lang nililingon ang babae na sinenyasan ni Fiere ang isa marahil sa mga agent. Ilang sandali lang ay iginagaya na palabas ang babae na masama ang tingin sa akin. Binalik ko sa kaniya ang tingin at kaagad siyang nag-iwas ng tingin.

Pasensya na lang siya at hindi ko kayang magpakabait ngayong gabi. Naubos na ni Pauline ang pasensya ko.

Muling nagpatuloy ang mga tao sa pagsasaya habang nanatili kaming nakatayo roon ni Fiere pati na ang mga kasama niya marahil na agents kanina na sina Nyx at Erebus.

"Athena-"

Hindi ko pinatapos si Fiere sa sasabihin niya at hinarap ko si Nyx na nakangiwi at napapakamot sa ulo niyo. "Bakit hinayaan niyong uminom si Fiere? You know he hates drinking and you know what happens next when he consumed alcoholic drinks."

"Si Aiere kasi kadalasan ang kasama ni Fiere. Kausap ko naman sina Eris kanina at etong si Erebus natutulog na naman sa kung saan." Nag peace sign ang babae. "Sorry."

"I'm fine, Athena." Fiere whispered to me.

"Right. Fine. Alam mo bang muntik ka ng mapikot dahil diyan sa fine-fine mo?"

Bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Erebus na humihikab na humalukipkip. Tinaasan pa ako ng kilay ng lalaki bago nagsalita, "Parang kayo na kung umakto ka, Athena, ah?"

BHO CAMP #6: The Sweet SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon