CHAPTER 5 ~ Right ~

81.4K 2K 155
                                    

CHAPTER 5

ATHENA'S POV

Nakangiting nakatingin lang ako kay Ainsley habang magana siyang kumakain ng fried chicken at burger steak na nasa harapan niya. Ayon kasi kay Aiden noon nang una kong kunin si Ainsley sa kaniya ay 'wag ko raw pakakainin sa fast food chain ang bata. Puro healthy na pagkain lang daw ang pinapakain ni Pauline kay Ainsley at kung lumalabas man sila ay sa mga restaurant sila kumakain kung saan may healthy na pagkain.

I do believe that eating right should be taught to kids. Pero hindi ako naniniwala na kailangang i-deprive ang mga bata sa mga gusto nilang kainin. Ganoon kami pinalaki ni Mama. Basta mataas ang grades namin, may ginagawa kaming mabuti o family day namin ay pwede kaming mamili kung anong gusto naming kainin.

Oo pinapakain din kami ng junk foods ni Mama. Umiinom din kami ng softdrinks. But we have limitations. Kapag sinabing tama na tumitigil kami.

"May gusto ka pa bang kainin?" nakangiting tanong ko kay Ainsley.

Sandaling napatigil sa pagkain ang bata at napatingin sa akin. Namula ang mga pisngi niya at pagkaraan ay sumimangot. "Don't you have money? Mommy Pauline and Daddy always bring me to expensive restaurants. Gutom lang po talaga ako pero hindi ko naman po gusto 'tong pagkain."

Nakangiti pa rin na tumango ako. "Well you don't need to finish those then. Pwede naman kitang dalin sa kung saan mo gusto."

Saglit na nagbaba ng tingin ang bata sa plato niya bago tumingin sa akin. Alam ko naman na dito niya talaga gustong kumain dahil kanina niya pa nililingon itong Jollibee nang naglalakad kami kanina dito sa mall. Sino bang bata ang hindi paborito ang chubby na bubuyog na ito?

"I hate you." she whispered.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko sa narinig kong ibinulong niya. Alam ko na sa kabila ng edad niya ay mayroon ng namuong galit sa puso niya para sa akin. I know that well and I understand.

Sino bang bata ang hindi kamumuhian ang ina na katulad ko? Na iniwan siya sa amang akala ko ay mabibigyan siya ng masayang pamilya kasama ng babaeng pinili nito?

Alam ko na hindi ko dapat ginawa ang ginawa ko. Dapat sinabi ko sa mga magulang ko...dapat nagpakatotoo ako. But I was young and scared. Kagagraduate ko lang ng mga panahon na iyon at hindi nila gusto si Aiden para sa akin. Pero matigas ang ulo ko.

Because I wanted to be normal. Gusto kong mahalin ako na hindi dahil sa kung anong yaman ang meron kami kung hindi dahil bilang ako. Wala akong sinabi sa kaniya maging kay Pauline na kaibigan ko noon kung sino talaga ako. Aiden came from a poor family. He was a scholar at the university I went to. Then there's the insecurity. Sa pamilya namin si Kuya Adonis ang mas magaling, mas matalino at mas gusto ng mga tao na maging head ng Camp division. Kahit si Kuya Triton ay alam iyon. Kung hindi sa kaniya nananalaytay ang dugong Lawrence ay si Kuya Adonis ang hahawak ng Camp division. I was never been a choice. I was never special.

I love my brother, I really do. Pero minsan mahirap isipin na ako na totoong anak ay nanatiling pangalawa sa kaniya. Selfish thoughts? Yes. Hindi ako perpekto. Marami akong insecurities sa kabila ng pinapakita kong kumpiyansa sa lahat ng tao.

So when Ainsley entered my life, I was frightened. Sa responsibilidad at sa magiging reaksyon ng mga magulang ko. Hindi pa nakatulong ang nangyari sa amin ni Aiden. Sa ginawa niya.

So I did what I thought I have to do at that time. I gave up my own daughter.

"I know."

Bumadha ang gulat sa mukha ng bata sa sinabi ko. Pilit na ngumiti ako at inilapit ko sa kaniya ang baso niya ng iced tea. "Kumain ka lang ng kumain. Mamaya mamimili tayo ng kahit na anong gusto mong bilin."

BHO CAMP #6: The Sweet SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon