Di nya mapigilang di mapangiti habang nagdadrive pauwi sa condo niya. He know it was wrong but it really feels so right. Kagagaling niya lang sa bahay ng dalaga dahil hinatid niya din ito pauwi pagkatapos ng reunion. Nag-aaya pa nga ang mga kasama nilang magbar, pero mas pinili nilang umuwi na.
Tahimik lang silang dalawa habang nasa byahe kanina, siguro ay sobrang naiilang ito o mas tamang sabihin na nagulat ito sa ginawa niya at di niya masisisi si Ehna. Pero ang totoo sobrang di niya na napigilan ang sarili kanina habang nagsasayaw silang dalawa. Kusa nang lumabas ang totoo niyang nararamdaman na matagal na niyang tinatago at pinipigilan. He loved and still love Athena more than a friend, mula pa pagkabata at kahit nagkalayo sila, hindi nawala sa isip at puso niya ang kaibigan.
THROWBACK
MARCO: Pare sino nanaman yang iniistalk mo dyan? (Anya kay Geoff na nakaharap said laptop into.)
Kararating lang niya sa tinutuluyang hotel ni Geoff. Si Geoff ang kaibigan niyang nakilala sa Pilipinas naging kaibigan niya ito dahil kay Walter na naging kaklase niya sa isang business school dito sa Amerika.
GEOFF: Loko! May tinitingnan lang ako.
MARCO: Chicks ba yan bro? (Anya na natatawa habang nilalapag ang mga dala niyang pagkain at in can beer)
GEOFF: Oo. (May lungkot na sabi nito)
Napatingin naman sya dito at kita niyang malungkot itong nakatingin sa monitor.
MARCO: Mukhang sobrang tinamaan ka ata ah. Sino ba yang chicks mo?
GEOFF: Si Dyanne.
MARCO: Dianne? (Anya at lumapit sa kaibigan para tingnan din ang tinitingnan nito sa laptop sabay na rin ang pag-abot niya ng beer dito.)
MARCO: Is that her? (Anya habang nakatingin sa profile pic nito sa facebook.
GEOFF: Yes.
Naagaw naman ang atensyon niya ng cover photo nito, isang group picture na puro babae. Napatingin sya sa babaeng nasa gilid shoulder level ang buhok, medyo morena at may dimple.
....
...
..
.
MARCO: A-athena. (Halos pabulong na sabi niya habang nakapako ang mga mata sa babaeng nasa picture kasabay ng pag kabog ng dibdib niya.
GEOFF: That's her girlfriends..
Napatingin naman sya dito.
GEOFF: Itong isa, yan ang girlfriend ni Walter. (Anya sabay turo kay Naxhea na katabi ni Dyanne.)
MARCO: I-itong isa? (Anya sabay turo sa picture ni Athena)
GEOFF: Ahh..yan si Athena.
MARCO: Athena.
GEOFF: Bakit type mo? (Anya at tumayo para humiga sa kama.
Napatingin naman sya sa kaibigan dahil sa sinabi nito.
****
Naikwento na sa kanya ni Geoff kung bakit ito nagbakasyon sa Amerika, brokenhearted pala ang loko. Pero hindi yun ang gumulo sa isipan niya, kundi si Athena. Hindi nga sya nagkamali nang makita ito sa picture, the dimple and the smile on her eyes, hindi niya makakalimutan yun. Now he thinks its time to go home to see her.
BINABASA MO ANG
ATHENA: Old Friend
RomanceSabi ko sa sarili ko, okay lang kung may mahal na syang iba, basta makita kong masaya sya. Pero minsan, di ko maiwasan tulad ngayon. Ang sakit..sobra. - Athena