Nasa opisina si Ehna at super busy sa ginagawa ng lumapit si Riam.
RIAM: Girl, pinapatanong pala ni Madam Thea, este ni Sir Theo kung tapos mo na daw ba yung account ni Mrs. Dela Fuente?
ATHENA: Sira ka talaga, mam'ya marinig ka nun.
RIAM: Hindi yun noh. Busy kaya ang lola mo sa loob at may kausap sa phone. Uy, anu tapos mo na ba? Bigay mo na daw kay Bakla kung tapos mo na.
ATHENA: Ahh, oo kahapon pa nga 'to eh. Dinoble check ko lang kanina.. (anya habang hinahanap ang folder sa desk niya)
Habang si Riam naman ay nakatingin banda sa opisina ni Theo.
RIAM:Oweeemgee girl!... (tili nito)
ATHENA: O anyare sayo?
RIAM: Di mo ba nakita yun? (Kinikilig na ewan na sabi nito habang nakatingin pa din sa office ni Theo)
ATHENA: Ang anu?
RIAM: Hindi ano, sino? Gosh girl.. may gwapong Adan na bumaba mula sa langit..
ATHENA: Pinagsasabi mo? Wala naman ah. (Anya na nakatingin na din sa tinitingnan ni Riam)
RIAM: Nasa loob na ng office ni Madam. Pustahan tayo, ngayon palang naglalaway na si Madam Thea sa loob dahil sa gwapong bisita niya.
ATHENA: Bunganga naman nito. Hayy naku, yaan mo na yun. Magtrabaho ka na nga lang. (Anya at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.)
RIAM: Oo na. Nga pala san si Jera? Di ko pa nakikita yun ah.
ATHENA: Hindi ko alam. Baka may sariling lakad.
RIAM: San nanaman kaya nagkakalat ng lagim yun?
ATHENA: Baliw ka talaga girl. (Anya na tatawa tawa at di namalayang papalapit na pala sa kanila ang boss na si Theo)
THEO: Athena! (Narinig nilang tawag nito sa kanya)
ATHENA: Yes Si--- (napalingon naman sya at natigilan ng makita kung sino ang kasama nito)
THEO: Mr. Crisostomo, this is Ms. Athena Czarina Villa---
MARCO: I know her. (Nakangiti at parang tuwang tuwang sabi nito)
Di naman makapagsalita si Athena.
MARCO: She's my friend.
THEO: Really?!... Anyway, Athena Mr. Crisostomo is our new client and ikaw ang gusto kong humawak ng account niya. And since you know each other already, iiwan ko na kayo.
(Sabi nito na nakangiti sa kanila, lalong lalo na kay Marco)
Gusto sanang umapela ni Athena, pero parang na glue ang bibig niya at di sya makapagsalita.
MARCO: Thank you Mr. Nepomuceno. (Anya at nakipagshakeshand pa dito.)
Ngumiti lang ito. At tuluyan ng umalis.
MARCO: What a small world... (Tuwang tuwa nyang sabi habang kaharap si Athena)
ATHENA: O-oo nga eh.
ATHENA: Uhmm.. sino pala nagrefer sayo dito.
Anya habang kunwari ay nag aayos ng mga gamit sa table at parang di mapakali.
Dinig na dinig nya ang matinding kabog ng dibdib niya.
MARCO: Sina Walter, sabi nila maganda daw itong firm niyo, but they never mention that you're here.
BINABASA MO ANG
ATHENA: Old Friend
RomansaSabi ko sa sarili ko, okay lang kung may mahal na syang iba, basta makita kong masaya sya. Pero minsan, di ko maiwasan tulad ngayon. Ang sakit..sobra. - Athena