ZANJER's POV
Nasa isang bar si Zanjer at nilulunod ang sarili sa alak, hindi niya matanggap ang mga nangyayari. Gusto niya sanang kausapin si Athena kanina pero nakita niyang sinundo ito ni Marco. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kong bakit sinundan pa niya ang mga ito, nakita nyang nagdinner sa isang restaurant ang dalawa at pagkatapos ay nagpunta sa park. Nakita niya ring niyakap at hinalikan ni Marco si Athena, kitang-kita niya rin ang saya sa mukha ng dalaga. Para naman syang pinira-piraso sa nakita niya, gusto niyang sumugod at bugbugin si Marco, but he don't want Athena to see how ruthless he is kaya nagdrive nalang sya palayo at nagpunta ng bar.
He was drinking hard ng may lumapit sa kanyang isang babae.
GIRL: Hi! I guess you're alone. Can I join you? (Pasweet yet sexy na sabi nito)
ZANJER: Leave me alone. (Anya na mahina lang at hindi tinitignan ang babae)
GIRL: Oh come on! The night's too young for you----
ZANJER: I SAID LEAVE ME ALONE!! (Sigaw na sabi niya sabay bagsak ng baso)
Napaatras naman ang babae dahil sa pagsigaw niya at agad na din itong umalis dahil natakot na sa kanya.
Nagpatuloy lang sya sa pag inom, until isang plano ang naisip niya. Dali-dali syang umalis ng bar na hindi na napapansin ang mga nakakasalubong niyang tao.
RIAM: Jera?!
RIAM: JERA!
Narinig niyang tawag ng isang babae. Kilala niya ang boses na yun. Iisa lang naman ang kilala niyang may ganung boses, si Riam.
Nilingon niya ito at agad naman itong lumapit sa kanya.
RIAM: Baklitang 'to! Di mo man lang sinabi na dito ka din pupunta, di sana sumabay na ko sayo.
ZANJER: Stop calling me Bakla, 'coz I'm not. (Seryoso niyang sabi)
RIAM: Ay! Taray.. ano nakain mo teh?
Pero imbes na sagutin ito ay umalis tumalikod nalang sya at umalis.
RIAM: Uy.. Jera san ka pupunta? (Pasigaw na tanong nito)
ZANJER: Kay Athena. (Anya at sumakay na ng sariling sasakyan)
******
ATHENA's POV
Halos mapunit naman ang pisngi ni Athena sa pagkakangiti, dahil sa nangyari kanina. Kahahatid lang sa kanya ni Marco sa bahay niya mula sa park, halos ayaw pa nga nilang maghiwalay na dalawa, pero kailangan dahil may mga pasok pa sila kinabukasan. Hanggang ngayon ay di parin sya makapaniwala sa mga nangyari at hanggang nagyon ay di pa rin sya makapaniwala na sila na nga ni Marco, na mahal din pala sya ng lalaking mahal niya. Ang buong akala kase niya ay one sided lang ang lahat, na sya lang ang nagmamahal sa kaibigan yun pala ay parehas lang sila ng nararamdaman. Parang sasabog na ang puso niya dahil sa sobrang saya, parang gusto niyang tumalon, gumulong, humiyaw dahil sa sobrang saya, she just can't contain her happiness. Natigil lang sya sa pagulong gulong nang magring ang cellphone niya, agad niya itong kinuha sa bag sa pag-aakalang baka si Marco ito. She smile at the thought. Pero agad nawala ang ngiti sa labi niya ng makita kung sino ang tumatawag, it's Zanjer. Hindi niya alam kung sasagutin nga ba ito o hindi, hanggang ngayon kase ay di parin niya alam ang gagawin. Alam niyang kailangan nilang mag-usap na dalawa, ayaw naman niyang makasamaan ng loob ang kaibigan kaya sa huli ay sinagot din niya ang tawag nito.
ATHENA: H-hello?
ZANJER: Pwede ba kitang makausap? Kahit sandali lang?
BINABASA MO ANG
ATHENA: Old Friend
RomanceSabi ko sa sarili ko, okay lang kung may mahal na syang iba, basta makita kong masaya sya. Pero minsan, di ko maiwasan tulad ngayon. Ang sakit..sobra. - Athena