RIAM: Bakla! Halika dito.
JERA: Bakit? (Anya pero lumapit din.)
RIAM: Anung problema niyan? (Tanong nito sabay nguso kay Athena na nakapangalumbaba sa table nito at nilalaruan ang ballpen.)
JERA: Malay.
RIAM: Eh di ba kayong dalawa ang magkasama nung weekend. Anu bang nangyare?
JERA: Ewan. Wala naman syang sinabi sa akin eh.
RIAM: Eh, anung nangyare sa plano niyo?
JERA: Wala. We just act as usual, then, nung gabi bigla nalang nawala si Sharie ang sabi ni Marco nauna na daw bumalik dito sa Manila kase daw may emergency.
RIAM: Bakit kaya? Anung nangyare?
JERA: Aba.. ewan... malay ko sa kanila.
RIAM: Anu ba yan, wala man lang akong makuhang information sayo, Reyna ka ng EWAN at MALAY!
JERA: He-he. Magtrabaho ka na nga lang.. may ginagawa pa ako eh.
Naririnig naman niya ang usapan ng dalawa niyang kaibigan, pero di nalang niya ito pinansin. Mas marami syang iniisip ngayon. Mula nung gabing nakausap siya ni Sharie ay gumulo na ang utak niya, di niya talaga maintindihan ang mga sinabi nito.
"Its because of you. Ikaw ang dahilan kung bakit di niya ko magawang mahalin. Thats why I hate you. "
Naalala niyang sabi nito. Hanggang ngayon di niya pa rin lubos maisip kung bakit nasabi ni Sharie yun. Naisip niya ring baka nga dahil...
"Mahal ako ni Marco?"
Pero napailing din sya agad sa naisip.
"Napakaimposible. Kahit masarap sanang isipin alam kong hindi. Imposible talaga yun..."
Nasabi niya sa sarili. Di niya na talaga alam kung anu ang iisipin.
ATHENA: HAYYY EWAAAANNN!!! (napasigaw at napatayo na sya dahil sa sobrang pag-iisip)
Natigilan lang sya ng mapansing nakatingin sa kanya lahat ng kasamahan niya.
ATHENA: Sorry.. (anya at nagpeace sign pa)
BINABASA MO ANG
ATHENA: Old Friend
RomantizmSabi ko sa sarili ko, okay lang kung may mahal na syang iba, basta makita kong masaya sya. Pero minsan, di ko maiwasan tulad ngayon. Ang sakit..sobra. - Athena