Kapapasok niya lang sa loob ng bahay at agad syang dumerecho sa kwarto, narinig niya rin ang tunog ng sasakyan, kaya malamang umalis na si Marco. Napasandal sya sa may likod ng pinto na hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi. Hanggang ngayon ramdam parin niya ang mga labi ni Marco sa labi niya. It was her first kiss and she can't help but kiligin. Para tuloy syang kiti-kiti ngayon na paikot-ikot at pagulong-gulong sa kama niya. Di niya alam kung bakit ito ginawa ni Marco, maaaring nadala lang sila sa kanta at sa emosyon? Pwedeng ganun. Gusto niyang isipin na maaaring mahal sya nito pero alam niyang impossible.
Tatayo na sana sya para makapagpalit ng damit nang makarinig sya sa doorbell. Agad syang bumaba at binuksan ang pinto sa pag-aakalang bumalik si Marco, pero nagulat sya nang makita kung sino ang dumating.
ATHENA: J-Jera?
****
ZANJER'S SIDE...
STEVE: Pare tama na yan, lasing na lasing ka na. (Awat nito sa kaibigan)
Nasa isang bar sya ngayon kasama ang bestfriend niyang si Steve.
ZANJER: No! Kaya ko pa. Ano 'kala mo sa akin bakla?! (Anya na tatawa tawa)
STEVE: Alam ko hindi ka bakla, nagpapanggap lang.
Natahimik naman ito.
ZANJER: Alam mo naman kung bakit di ba?! (Anya sabay tunga ulit ng isang shot)
STEVE: Oo, para mapalapit ka dun sa babaeng gusto mo, na ngayon mahal mo na. Pero Pare hirap niyang pinasok mo. Aminin mo na kaya.
...
..
.
ZANJER: Di ko kaya, ayokong layuan niya ko pag nalaman niya. Mahal ko sya, mahal na mahal ko si Athena.
STEVE: Pero Pare, sinasaktan mo lang sarili mo. Eh di ba nga may iba syang mahal? O, pa'nu yun..
FLASHBACK
ATHENA: Aahhh...ayoko na maalalaaa!!!!!! (Sigaw niya)
Bigla namang bumulanghit ng tawa silang dalawa ni Riam.
ATHENA: Sige tawa lang kayo, sige na ako na tanga.
RIAM: Hay naku girl, move on nah.. andameng lalaki dyan.. noh.. yung as in tunay na lalaki. (Dagdag pa nito sabay tawa ulit. )
ATHENA: Eh pa'nu naman kase, ang gwapo gwapo niya. Bakit kayo ba di man lang ba kayo naattract sa kagwapuhan niya?
RIAM: Ako? Oo.. dati, pero nawala din eh. Ikaw bakla?
JERA: Of course!! (Tili niya)
ATHENA: Se---
JERA: Not! Kase mas maganda ako sa kanya! (malditang sagot niya)
Natawa naman yung dalawa sa sinabi niya.
ATHENA: Oo na sige, mas maganda ka na kesa, kay Theo este Thea pala.
Napangiti naman sya dahil nakikita niyang tumatawa na uli ang kaibigan.
ATHENA: Thank you ha, thank you sa inyong dalawa....
RIAM: Ano ka ba girl, syempre ikaw pa... malakas ka sa amin eh. Di ba bakla???
BINABASA MO ANG
ATHENA: Old Friend
Storie d'amoreSabi ko sa sarili ko, okay lang kung may mahal na syang iba, basta makita kong masaya sya. Pero minsan, di ko maiwasan tulad ngayon. Ang sakit..sobra. - Athena