"Good morning! Wait for me..
Hahatid kita sa office."
Ito ang message na bumungad kay Athena pagkagising. Napangiti sya dahil naalala niya ang nangyari kagabi at the same time naalala niya rin ang sinabi ni Jera sa kanya. Nalulungkot sya at nasasaktan at the same time dahil nagsinungaling sa kanya ang kaibigan. Pero alam niyang hindi nito iyon sinasadya. Kahit naman sya ay nagsisinungaling din kay Marco, dahil hindi niya masabing mahal niya ito. Pero ang totoo naloka sya sa mga nalaman at kaganapan kagabi. Hindi niya tuloy alam kung ano ang dapat maramdaman, at hindi niya rin tuloy alam kung paano pakikitunguhan ang dalawang lalaki.
*a/n: #GandaProblems ... hehehe*
****
Tulad ng sinabi ni Marco sa text message ay hinatid nga nya si Athena sa firm, pero habang nasa byahe ay pansin niya ang lungkot at ilang ng dalaga.
MARCO: Are you okay? Is there something bothering you?
ATHENA: Hmm.. wala naman.
MARCO: You sure?
ATHENA: Yes. Don't worry. (Sagot nito kahit na halata naman ang ilang sa kilos nito)
MARCO: So, pwede ka bang mainvite mamaya for dinner after work. I have something to tell you.
ATHENA: Huh? Uhm...sure. Mamaya.
MARCO: Susunduin kita, okay..
Ngumiti nalang ito bilang tugon.
Nang makarating ng firm ay halos nakasabay nila sa pagdating si ZanJer, agad namang umiwas ng tingin si Athena na napansin din naman ni Marco.
ATHENA: Sige Marco, salamat sa paghatid, see you later.
MARCO: You're very much welcome. (Sagot niya at hinalikan sa pisngi si Athena sabay bulong..
MARCO: Are you both okay?
ATHENA: Kilala mo talaga ako ah. Ang totoo, oo may problema kame pero okay lang ako. Sasabihin ko nalang sayo mamaya.
MARCO: Okay. See you later.
Sabi nito sabay umalis na din.
Habang si Zanjer ay umiwas ng tingin nang makitang hahalikan ni Marco si Athena at nauna na itong pumasok ng building.
****
Buong maghapong iniwasan ni Athena si ZanJer. Hindi sa galit sya pero hindi niya kase alam kung ano ang gagawin at sasabihin. Bagay na napansin naman ni Riam.
RIAM: Hoy! Kayong dalawa, nagkaworld war 4 ba ng hindi ko alam? Kanina ko pa napapansing hindi kayo nagpapansinan.
Nagkatinginan naman silang dalawa ni Zanjer, pero agad din syang umiwas.
RIAM: Care to share what is going on here?
Pero wala pa ring sumasagot sa dalawa.
RIAM: Hello! People of the world... (Pangungulit pa rin niya sa mga ito)
ATHENA: Tsaka nalang Riam, wag muna ngayon. (Anya sabay alis at pumuntang pantry)
Napatingin nalang tuloy si Riam kay ZanJer na nakatingin lang din sa umalis na si Athena.
*****
Marco bring her to the Circle Park para maglakad lakad after nilang magdinner sa isang restaurant. Tahimik silang naglalakad na dalawa, then suddenly he hold her hand kaya napatingin sya dito.
MARCO: I just want to hold you kahit saglit lang. I know you're not okay and alam kong may problema kayo ni Zanjer but I want you to know that I'm here. (Panimula niya)
Nakatingin lang sya sa binata, dahil sobrang naguguluhan sya sa mga sinasabi nito.
Tumigil naman ito sa paglalakad at humarap sa kanya sabay hinawakan siya sa magkabilang braso.
MARCO: Athena... MAHAL KITA. Noon pa.
She was stunned, di nya inaasahan ang narinig mula sa kaibigan.
MARCO: Alam kong mali, kase may mahal ka ng iba, na may isang ZanJer na sa buhay mo. Pero gusto ko pa ring malaman mo na mahal na mahal kita mula pa noon, na kahit pa nagkalayo tayo hindi nagbago yun.
ATHENA: Marco kase...
MARCO: Don't worry hindi ko hinihingi na mahalin mo din ako at iwan mo si Zan---
ATHENA: Hindi ko boyfriend si Zanjer.
Natigilan naman ito sa narinig.
ATHENA: I'm sorry I lied. Nasabi ko lang yun noon kase natakot akong mapalapit ulit sayo kase ang totoo Mahal na kita noon pa, mga bata pa lang ata tayo, ikaw na tinitibok nitong puso ko. Kaya nga sobrang nasaktan ako nung umalis ka at hindi ka na nagparamdam sa akin. I'm sorry kase----
Di na niya natuloy ang sinasabi dahil bigla syang hinalikan ni Marco. A kiss that she dreamed of so many times, a kiss thats makes her forget the world, a kiss from the man she loves.
Marco broke the kiss, pero di matatawaran ang ngiti sa mga labi at mata nito habang parang di pa rin makapaniwalang nakatingin sa kanya.
MARCO: You don't know how happy I am right now, I can't even explain it. Athena I Love you so much. (Sabi nito at niyakap sya ulit)
Maging sya ay di rin maexplain ang kasiyahan, pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang saya. Tama nga sila " Dreams do come true", pinangarap niyang sana ay mahalin din sya ng lalaking mahal niya and now ito na, it feels surreal.
MARCO: Ang buong akala ko, hindi na mangyayari 'to na huli na ako dahil may ZanJer na sa buhay mo.
ATHENA: Ang totoo, kaibigan ko si Zanjer at ang buong akala ko, namin ay bakla sya kaya nga sya ang pinagpanggap kong boyfriend ko. But last night he admit that he's not a gay and ...
MARCO: He loves you..
ATHENA: Pa'no---
MARCO: Ehna, lalaki ako, kaya alam ko, ramdam ko...
ATHENA: Hindi ko alam kong pa'no sya haharapin, kung pa'no ko sya pakikitunguhan. He lied to me... the way I lied to you... (Anya na napayuko
MARCO: Ssshh.. tama na. (He said then left her chin dahilan para magtama ang kanilang mga mata.)
MARCO: Sa totoo lang wala sa akin na nagpanggap kayong dalawa, kase ang importante sa akin ngayon, tayong dalawa, na ikaw ATHENA CZARINA VILLAGONZA ay MAHAL NA MAHAL ni LAWRENCE MARCO CRISOSTOMO mula noon, hanggang ngayon. (He said and claim her lips once again)
*******
BINABASA MO ANG
ATHENA: Old Friend
RomanceSabi ko sa sarili ko, okay lang kung may mahal na syang iba, basta makita kong masaya sya. Pero minsan, di ko maiwasan tulad ngayon. Ang sakit..sobra. - Athena