ATHENA: Arrrrrrrrggggggghhhhhhh!!!!!! Ayoko na talaga! Nakakastress na!!! Ayoko na!!!! (sigaw niya sabay sabunot sa sariling buhok)
Bigla namang sumilip sa cubicle nya ang kasamahan at kaibigang si Riam.
RIAM: Friend! Anung problema mo? Bakit ka sumisigaw dyan?
ATHENA: Ehh, panu naman kase, di ko mabala-balanse 'tong ginagawa ko. Di ko alam kung san ang mali. Naiinis na ko! Natutuyo na utak ko, wala ng laman!
Di na nya talaga alam ang gagawin. Dinoble, triple, at kung anu pang may ple na ang ginawa niyang pagchecheck pero hindi pa din mabalanse.
RIAM: Easy ka lang kase Ehna. Baka naman may naover look ka lang. 'Lam mo, magbreak kana muna para naman marefresh yang u-tak mo.
ATHENA: Siguro nga. Tsaka gutom na din ako eh. Makapag break na nga lang muna. Ikaw nagbreak ka na?
RIAM: Hindi pa nga din eh. Tara kain na tayo. Libre mo ko ha!
ATHENA: Sabi ko na nga ba, dito tayo papunta.
RIAM: Sige nah, minsan mo lang ako ililibre ehh. (Sabi nya sabay pacute pa sa kaibigan)
ATHENA: Oo na! Wag ka lang magpacute di bagay. (Natatawang pang aasar nito)
Bigla namang sumulpot mula sa kung saan ang isa pa nilang kaibigan at katrabahong si Jera.
JERA: Mga teh! Maglalunch na kayo?
ATHENA: Oo eh. Sabay ka sa amin?
JERA: Surelalooo..
Habang nasa hallway sila papuntang canteen ay daldalan sila ng daldalan pero natahimik si Athena ng makitang makakasalubong nila si Theo.
Si Theo na long time crush ni Ehna, eversince ata pumasok sya sa kompanyang yun ay si Theo lang ang nakikita ng mga mata niya at wala ng iba.
RIAM: Oh my God! Girl si Theo o. (Kinikilig na sabi nito sa kanya ng makalagpas na sa kanila si Theo. Alam din kase nito na crush ito ni Ehna)
JERA: Correction! It’s not Theo, it’s THE--A..
Napatingin naman sa kanya si Athena dahil sa sinabi nya.
ATHENA: Anu??
JERA: I said Thea. Bakla yan girl!
ATHENA: Imbento ka!
RIAM: Oo nga! Tsaka ang gwapo gwapo ni Sir Theo para maging bakla noh. (Sagot din nito)
JERA: Hay naku! Amoy na amoy ko sya teh! Kameng mga bakla, hilatsa palang ng mukha alam na namin kung pusong Adan sya o pusong Eva.
Yes, you heard it right bakla si Jera as in vaklush, a beki.
JERA: Alam kong berde ang dugo nya. Tingnan nyo nalang ang fes mas makinis pa sa mga fes nyo! (Dugtong pa niya, sabay turo sa mga mukha nila.)
××[Fes- mukha/face]
RIAM: Aray! Ang hard ahh. (Sagot naman nito sabay hawak sa sariling mukha)
RIAM: Di naman ahh.. makinis kaya mukha ko.
ATHENA: Hindi ako naniniwala. Very neat lang sya, malinis, yes! femine kumilos, kaya siguro napag-iisipan niyong gay sya. But he's not, and I'll prove it to you.
Sagot niya. Totoo naman eh, madame talagang nakakapansin na medyo malambot ang kilos ni Theo, very neat yung tipong parang ang bango bango nyang tingnan. Pero para kay Athena it doesn't mean na bakla sya and hindi talaga sya naniniwala.
BINABASA MO ANG
ATHENA: Old Friend
RomanceSabi ko sa sarili ko, okay lang kung may mahal na syang iba, basta makita kong masaya sya. Pero minsan, di ko maiwasan tulad ngayon. Ang sakit..sobra. - Athena