THROWBACK:
GEOFF: By the way girls, this is Mr. Crisostomo, a friend of ours and isa sa mga client ng CRFLI.
Nang marinig niya ang pangalang Crisostomo ay agad naman siyang napatingin sa lalaking katabi at pinakilala ni Geoff, and shock hit her.
Isa isa namang nagpakilala ang mga Mamens, habang sya ay di alam ang gagawin.
ATHENA: Aaahh.. excuse me. (anya at bigla na lang umalis.)
YSHA: San punta yun?
Narinig nyang tanong ni Sha pero di na sya lumingon.
Sa totoo lang ay di niya alam kung san sya pupunta.. bigla syang naduwag ng makita ito, dahil hindi niya inaasahan na makikita itong muli. Gusto niya munang magtago para iwasan ito, ayaw niya munang magpakita, hindi pa sya handa, baka kase maiyak nanaman sya pag nakita ito.
Hindi nya namalayang napunta na sya sa may pool area ng bahay nina Gab. Hindi sya mapakaling palakad lakad doon. Sana lang ay hindi sya nakilala nito o di kaya sana ay di sya napansin.
Tinry nyang tawagan sina Jera at Riam, para humingi ng tulong na makaescape sa party ni Gab, pero puro ring lang ang naririnig niya.
ATHENA: Jera... please pick up. (Pabulong niyang sabi sabay naupo sa bench na naroon.)
MARCO: Athena???
Natigilan sya ng marinig ang boses nito, bigla syang nastiff at di alam ang gagawin.. pasimple syang huminga ng malalim bago lumingon dito.
ATHENA: Yes? (Tanong niya na kunwari ay di niya kilala ang binata)
Napangiti naman ito...
Sya naman ay napalunok. Sa loob ng mahabang panahon di parin talaga nagbago ang nararamdaman niya sa tuwing makikita ang lalaki. Ganun pa din ang reaksyon ng puso niya.. parang may mga naghahabulan na kabayo sa dibdib niya sa tuwing makikita ito.
MARCO: Hindi nga ko nagkamali ikaw nga yan. (Sabi nito sabay niyakap sya ng mahigpit)
Nagulat naman sya sa ginawa nito. She want to hug him back, but she stop herself.
ATHENA: E-excuse me? (Maang maangan niya at marahang tinulak ang lalaki)
BINABASA MO ANG
ATHENA: Old Friend
RomanceSabi ko sa sarili ko, okay lang kung may mahal na syang iba, basta makita kong masaya sya. Pero minsan, di ko maiwasan tulad ngayon. Ang sakit..sobra. - Athena