Tristan's POVTristan anak! Bumaba kana dyan at ng maihatid kana ng Papa mo sa Apartment na tutuluyan mo !
Opo mama! Pababa na po ako! . Dala dala ko na lahat ng bag ko kung saan nakalagay ng lahat ng kailangan ko. shit kabigat! Bakit ba kasi kalayo ng school ko sa bahay namin kaya kailangan ko pa tuloy mag apartment para mas malapit sa school. Paano na ako nito. Parang Hindi ko ata kaya na wala ang suporta nila Mama. Na sanay kasi ako na nakaasa sa kanila. By the way, ako nga pala si Aldrin Tristan Castro , ganda ng name ko diba .. Syempre 21st century name sila Mama ata ang nagbigay saakin ng unique na pangalan na yan. Grade 11 student na ako . Hirap maging studyante lalo na sa pagpili ng school na papasukan. Well magiistart na ang Senior High School life ko and good luck naman saakin. Ang kinuha ko nga palang strand is GAS (o General Academic Strand) because I'm still undecided on what I will pursue to college. Ang pangalan ng school ko is Klear State University, obviously it is a public college and unexpectedly nagopen sila ng Senior High School and dito lang yung may GAS strand offer kaya I don't have any other choice kung hindi dito magaral at ito na ang medyo malapit sa pinakabayan namin. Well hindi talaga sya malapit actually anlayo nya na nga para saakin e. Kaya kinailangan ko pang mag Apartment. Well although that I used to live with my parents, I also want to experience to live without them. But I can't live without their financial support. Just kidding.
"Anak bakit ba ang tagal mong bumaba .." sigaw ni Mama na halatang naiinis na. Sorna Ma.
"Mama tignan mo naman buhat ko oh! Sabay pakita ko kay mama ng 2 maleta at 3 bag kong gamit. " Reklamo ko. Well totoo naman talaga ang bigat kaya di ko kayang ibaba ito ng sabay sabay.
"Anak ganyan ba talaga kadami damit mo? Grave! Baka mahirap kana na maglaba ng damit mo dyan ah." Ma kung iisa-isahin natin ito. E napaka rami nga. Pero syempre kailangan ko itong lahat. Ayoko naman na sakto lang yung dadalin na gamit. Paano nalang pag nagkaemergency. At isa pa Ma uso magpalaundry. Well mayaman. Charot
"Gusto mo ba samahan kana lang ng kuya mo sa Apartment?" Suggestion ni Mama.
"Ay hindi na Ma kaya ko na. Hayaan muna si Kuya. Malamang naman hindi nya ako gusto makasama sa isang apartment ih."
Kung napapansin nyo naman yes. Hindi maganda ang relasyon namin ng Kuya ko at hindi lang sya kuya ko because we're twins. May mga bagay kame na hindi pinagkakasunduan tulad nalang ng sexual preference ko hindi talaga sya payag don although payag naman sila Mama. Kaya naman mas pililiin ko nalang na iba makasama sa Apartment kaysa sya. Pero sana naman diba mabait yung makakasama ko sa Apartment.
"Bilisan nyo naman!" Sigaw ni Papa sa labas! Naiinip na siguro si Papa. Kanina pa kasi sya nasa labas hinahanda yung kotse.
"Palabas na Mahal! Dami kasi gamit ng anak mo!" Tugon ni Mama. So kasalanan ko pa Ma? Charooot lang.
After mailagay sa kotse ang mga gamit ko ay umalis na agad kame kaya After 30 mins narating na din namin ung apartment na tutuluyan ko. O diba 30 minutes lang andito na kame. Well di nga sya kalayuan saamin pero malayo nga para saakin. Anueh be nemen keshe. Maarte ako ayoko ng hassle. Kaya mas pinili ko magapartment para walk in distance lang yung school kaysa naman mag commute ako araw-araw aba nakakapagod besh.
BINABASA MO ANG
Roommates
RomanceBL Story po ito featuring Nanon & Chimon.💖 So, Sana po magustuhan nyo .. Salamat