Tristan's POV
"Hoy Tristan gumising kana dyan" sigaw ni Aldrin sa kwarto ko.
"Inaantok pa ako" sigaw ko din.
Kaaga aga ang ingay ingay. Bwisit talaga oh!"Sige bahala ka dyan! Kung ayaw mo pumasok" sabi nya.
Pasok? May pasok ba? Napatingin ako sa cellphone ko at oo nga. Friday palang pala. Naku malalate na ako kaya bigla akong lumabas at sinigawan si Aldrin.
"Wait lang. Hintayin mo ako" ani ko sakanya.
"Bilisan mo na at maligo ka na" ani niya.
"Sige. Wait mo ako ah" ani ko sakanyan. Kailangan ko sya ngayon. Baka malate kasi ako kung magcocomute ako o maglalakad.
Natapos na ako maligo at nagbihis na ako. At sumakay sa kotse.
"Bakit ka ba kasi ayaw mo pa bumangon kanina. Kanina pa kita ginigising." Ani ni Aldrin
" Ehhh. Kasi akala ko Saturday na."
"Tanga kaba? Bakla kana nga tanga pa" ani niya at ngumisi.
"Ano?!" nanlait pa.
"Teka meron pa pala. Bakla ka na nga tanga pa, pangit pa. Ikaw na" ani niya ng nakaloloko. Kaya sinabunutan ko sya habang nagdridrive.
"Aray.. Tumigil ka na ... Mababanga tayo" gegewang gewang na kami sa daan ng biglang may dumaan na truck muntik pa kame mabangga.
"Problema mo? Mintik na tayo mamatay" ani niya na galit.
"Ikaw kasi. Makalait ka wagas" ani ko sakanya.
"Hibang kaba! Totoo naman kasi" hindi pa din sya tumitigil sa pangaasar. Nanlilisik na ang mga mata ko sakanya.
"Oh..oh..oh.. Tama na. Gusto ko pa mabuhay. Wag ka ngang magulo""Tsk. Parang ang gwapo gwapo naman niya. Hindi naman. Mayabang lang" bulong ko.
"Bubulong bulong ka pa dyan. Naririnig ko naman" ani niya.
Nagpout nalang ako ng makadating na kami ng school. At ayun ang dami pa din naghihintay sa mokong na ito. Ano ba meron sya? Gwapo? Konti lang naman. Hindi ko naman maitatanggi na gwapo sya pero ang pangit talaga ng ugali niya. He's not my type.
"Hoy ano ba iniisip mo dyan? " sabay hagis saakin ng mga pagkaing ibinigay sakanya ng mga babae.
"Hindi ko naman talaga ginagawa ito dati eh. Ung kumuha ng pagkain na pinaghirapan ng iba para lang ibigay saakin. Usually ang ginagawa ko tinatanggihan ko. Pero dahil sayo ginagawa ko ito""Hindi kaya. Ginagawa mo ito for your own sake. So kasalanan ko pa. Gusto mo lang kasi makakuha ng mataas na grades at libreng pakain saakin" ani ko.
"It will benefits us naman. Patas lang tayo. We aim of what we want." Ani niya. Na totoo naman. Parehas lang kami makikinabang dito ng tumahimik na buhay ko. At mapagisa na ako sa apartment. So excited.
"Fine" ani ko.
"Baba na! Andito na tayo." Ani niya. Pagkababa namin sa parking lot. Lumabas na ako ng kotse at dumiretso na agad sa classroom ng hindi siya hinihintay.
"Hintayin mo ako sabay na tayo" sigaw niya. Tumigil naman ako sandali at hinintay sya ng malapit na sya ay nalakad na ulit ako. Pagdating sa room sabay kami ng pasok ng pinto. pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin. Ang weird ng tingin nila. Late na ba kami? Tinignan ko ang relo ko. Di naman ah. Nagdirediretso naman si Aldrin ng lakad at pumunta na ng upuan at ganon din ako.
"Anong meron. Sabay kayo ni Fafa Aldrin" ani ni James. Ang bakla kong kaklase. At halatang kinikilig kilig ang loko.
"Wala yun. Nagkasabay lang kame" ani ko.

BINABASA MO ANG
Roommates
RomanceBL Story po ito featuring Nanon & Chimon.💖 So, Sana po magustuhan nyo .. Salamat