After our successful play balik klase nanaman kami. At yung result pala ng play.
Ayon sa mga judge kami sana yung champion. Dahil nga sa nangyari. Nagkaviolation kami. Kaya 2nd place lang kami. Not bad. At least nakapagperform kami ng maayos. Naipakita namin sakanila yung pinaghirapan namin irehearse.Nasa cafeteria na kami nila Sandra at Eusa. Ng dumating si James kasama si Aldrin.
"Asaan si Christian?" Tanong ko."Ano ba yan. Si Christian pa din hinahanap mo. Tristan may Knight ka na nga. Akin nalang si Fafa Christian" ani ni James. Tinignan ko lang sya nga masama. Baka gusto nya na balatan ko sya ng buhay. Akin lang si Christian.
"Ano ba yan. Ang selfish. Gusto sayo lahat" ani ni James sabay pout.
"Tumigil na nga kayo. Umagang umaga kalandian agad inaatupag nyo." Ani ni Aldrin
"Ikaw nga ang aga aga. Ang sama ng mood mo." Ani ko.
"Kasalanan mo yun e" ani niya.
Ano daw? Aba kasalanan ko pa. Ano ba ginawa ko.
"Problema mo?""Ikaw! Umagang umaga si Christian at Knight agad bukang bibig mo" ani niya.
Ano daw? E ano naman ngayon. Di ko maget itong tao na ito. Masama ba sila pag usapan. Di ko nalang sya pinansin at tumingin sa pinto ng cafeteria. Hinihintay si Christian na dumating.
At ilang saglit lang ay nakita ko na sya na papasok sa cafeteria. May kasama syang babae. Nakapalupot pa ang mga kamay nito sa braso ni Christian. Nandidilim paningin ko.
"Aaaarrrghhh" sigaw ni James.
"Aray gurl muntikan mo na masaksak kamay ko a."
Ani ni JamesDi ko na namalayan na itinusok ko pala yung tinidor na gamit ko malapit sa kamay ni James dahil sa gigil. Nakita ko na sila Christian na papalapit saamin.
Ngumiti saakin si Christian at parang nahypnotize nanaman ako. Di ako makapagsalita."Guys I want you to meet my girlfriend." Pakilala nya sa kasama nya. Girlfriend?????? GF????? No.
"Okay ka lang Tristan?" Ani ni Christian.
"Ha? Oo okay lang." Tinignan ko ang babae na kasama nya. From head to foot. Parang pamilyar sya saakin. Nakita ko na sya e. Sure ako don.
Tinignan ko si Aldrin. Nakita ko ang gulat sa itsura nya. Sabi na e. Sya yun. Nung ipinukaw ko ang tingin ko sakanyang mga mata. Bigla syang hindi tumingin saakin at parang di sya mapakali. Sabi na nga ba.
Sya yung kasex ni Aldrin nung nakaraan. At girlfriend na sya ni Christian? Hindi ito pwede. Pokpok na babaeng ito. Di ako papayag na mapunta sya kay Aldrin."Tristan!!!" Sigaw ng lahat. Hindi ko na namalayan na nabasag na pala ang hawak ko na baso.
"Ano bang ginagawa mo?" Galit na ekspresyon ni Aldrin. Agad nya akong binuhat at naglalakad na papuntang clinic.
"Aldrin?" Ani ko.
"Bakit?" Ani nya.
"Nabubog yung kamay ko pero di ako pilay. Kaya ko naman maglakad" ani ko. Hindi lang sya nagsalita. Pagdating namin ng clinic. Kumuha na yung nurse ng panglinis at pagtanggal ng bubog. Napapapikit ako habang tinitignan. After non ay nilagyan na ng benda ng kamay ko at binigyan lang kami ng gamot. At sabi ng nurse pag okay na ako. Pumasok na kami sa klase namin. Si Aldrin naman. Nakabantay lang saakin.
"Sa susunod pag nanggigil ka. Wag kang hahawak ng kung ano ano. At delikado. May sakit ka ba ha? Abnormal kaba?" Ani niya na halatang naiirita saakin.
"Problema mo? Edi hindi na. By the way, yung girlfriend ni Christian...
"Oo sya yun wag mo na ipaalala. Wala din akong balak na magkwento paano ko sya nakilala" ani niya.
"Di sila bagay!" Ani ko.
"Bitter ka lang. Sa susunod wag mong sasaktan sarili mo pag nalaman mong may ibang gusto ang gusto mo. " ani niya.
"Di ko naman sinasadya. Nanggigil lang ako. Hindi ko naman kasalanan yun. Kasalanan yun ng baso bakit kasi ang fragile nya." Ani ko.
"Ewan ko sayo. Kung okay kana. Tara na sa klase." Ani niya at umalis na nga kami sa clinic at bumalik na sa klase.
Pagbalik namin sa klase tanong pa din ng tanong ang mga classmates namin kung ano yung nangyari saakin. Kung okay lang daw ba ako.
Pagkatapos ng klase namin. Umuwi na kami ni Aldrin sa apartment.
"Sa ngayon ako na muna ang magluluto, at gagawa ng gawaing bahay habang hindi pa magaling yang kamay mo." Ani niya.
"Thank you" ani ko.
"Whatever. Wala naman akong ibang choice." Ani niya
"Edi wag mong gawin. Akala ko pa naman talagang may malasakit ka. Wala naman pala" ani ko at pumasok na sa kwarto.
Nakatulog ako at nagising na lamang ng may marinig ako na kumakatok.
"Tristan, lumabas kana dyan at kakain na" ani niya.
At lumabas na nga ako at tinungo ang kusina. Nakahanda na ang dinner namin.
Lumipas ang minuto at di ko pa din nakakain ang pagkain.
"Bakit di ka pa kumakain?" Ani ni Aldrin.
"I don't know how. I just can't. Masakit pa din ang kamay ko." Ani ko sakanya.
Bumuntong hininga lang sya at bigla na lumapit saakin.
"Susubuan nalang kita" ani niya.What?!
"Ayoko!" Ani ko.
"Magpapasubo ka o magugutom ka?!" Ani niya. Kaya napaisip ako. Oo nga naman. Gurl magugutom ka. Wala ka ng ibang choice kaya go na.
"Fine" ani ko. At sinimulan nya na nga akong subuan. Napaka awkward talaga sa feeling. Pinagmamasdan ko lang ang mukha nya habang sinusubuan nya ako. Ang gwapo. Ooppps. Ano ba Tristan. Stop it.
"Anong problema?" Tanong ni Aldrin.
"Hah!" Nabigla ako at nabulunan.
"Ayos ka lang ba." Ani niya at kumuha ng baso ng tubig
"Umayos ka nga" ani niya. Halatang naiinis na sya.
Natapos din ang subuan sesssion namin dalawa.
"Thanks" ani ko. Laki ko talagang abala. Napilitan pa tuloy sya na subuan ako.
"Pumasok kana sa kwarto mo at magpahinga. Maghuhugas lang ako ng pinagkainan natin." Mahinahon nyang pagkakasabi.
Dumiretso na nga ako sa kwarto at nagpahinga sandali. Nagising nalang ulit ako ng may marinig na kumakatok.
"Tristan" ani ni Aldrin sa labas ng kwarto ko.
"Bakit?" Ani ko.
"Basta lumabas ka nalang." Ani niya.
Lumabas ako at nakita sya sa labas na may hawak na medicine kit.
"Pwedeng pumasok?" Ani niya.
"Oo naman." Ani ko.
"Ako na maglilinis ng sugat mo at alam ko naman na di mo kaya." Ani niya at kinuha na ang mga gagamitin nya para linisin at gamutin ang sugat ko. Umupo kami sa aking kama.
Pinapanood ko lang sya sa ginagawa nya na para bang bihasa na sya sa ginagawa.
"Ayan tapos na." Ani niya at sabay na tingin saakin.
Hindi ko alam pero parang di ako mapakali at di ko alam bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Basta ang naiisip ko nalang sa oras na ito ay gusto kong halikan ang labi ng taong kaharap ko. Di ko alam pero naglakas loob na akong ilapit ang aking mukha sa kanya. At sinumulan ng pumikit. Pero ..."Achoooo" bahing ko. At bumalik ako sa ulirat at napatayo kaming pareho.
"Matulog kana. At maaga pa ang pasok natin bukas." Ani niya at lumabas na ng kwarto ko. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha. Buti nalang umalis na siya. Jusko ano ba ang ginagawa ko. Umayos ka Tristan.
--- End of Chapter 11 ---
Sorry kung natagalan ang update. I promise na mas dadalasan ko pa ang update nitong story.
Comment down your feedback guys. And please do like this chapter. Enjoy😍

BINABASA MO ANG
Roommates
RomansaBL Story po ito featuring Nanon & Chimon.💖 So, Sana po magustuhan nyo .. Salamat