Prologue

24 1 0
                                    

Ayaw na ayaw kong sumakay ng eroplano. Kasi kapag nasa eroplano ako, naaalala ko na naiwan ako. Naiwan ako sa ere.

Ayo'ko ring sumakay ng taxi. Kasi may metro. Lahat sinusukat. Parang nung kami pa. Lahat na lang sinusukat niya. Lahat ng ginagawa niya pinapamukha niya sa'kin. Gano'n ba dapat ang love? Nagbibilangan?

Ayo'ko rin sa jeep. Kasi yung bayad pinagpapasa-pasahan. Parang yung sisi nung naghiwalay kami. Pinagpasapasahan.

Ayo'ko sa barko na sumusunod sa alon. Parang ako... Ako ang barko, siya ang alon. Sunud-sunuran sa kanya. Tapos ano? Kapag masama ang panahon, nagagalit ang alon. Tapos itataob ang barko.

Ayo'ko ng bike. Kasi kapag nawalan ka ng balance, matutumba ka. Masasaktan ka. Parang ako. Hindi ko natantsa na malapit na pala niya kong iwan. Kaya ayun. Nasaktan ako.

Ayo'ko sa tricycle. Kasi mag-isa lang akong nakasakay.... Lagi kong naaalala na mag-isa na lang ako.

Ayo'kong maglakad. Kasi nakakapagod... Tulad niya. Napagod siya sa pagmamahal sa'kin. Kaya iniwan niya 'ko.



Pa'no ako makaka-move on kung lahat na lang ng bagay, siya ang naaalala ko?










Hyomi:
This is for you who fell in love, held on to promises

and was left behind.

Forever Mo Your Face!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon