Chapter Three: Deny it or Not

12 1 0
                                    

"Arghhhhhhhh!!!!!! Walanghiya ka Lucas!!! Ang kapal ng mukha mo para makipag-break sa'kin! Tamaan ka sana ng kidlat! Magka-bagyo sana sa bahay mo! Mabaog ka sana! Tamaan ka sana ng lumilipad na karma dyan kung saang impyerno ka man!"

Kanina ko pa winawasiwas ang kumot ko sa kwarto. Pa'no, 3 a.m. na. hindi pa rin ako makatulog.

E pa'no naman ako makakatulog kung nakipag-break sa'kin ang two years ko nang boyfriend diba?

Ano ba kami?

Sardinas?

May expiration date?

Inaamag after two years?






Ang sakit 😭

Dinadaan ko na lang sa biro ang lahat pero hindi ko maiwasang mapaiyak kapag naaalala ko siya habang tumatalikod siya sa'kin.

Bwiset... Tama na Sandy! Malamang sa oras na to, mahimbing na yung tulog niya. Hahayaan mo na lang ba na miserable ka habang masaya siya?

Pero ang saket talaga e. Kahit ano'ng pangkukumbinse ang ginagawa ko, I still can't convince myself na wala na kami. I can't even convince myself to shut the hell up because we're over.

Ang daya naman!!! Ikaw na nga tong naiwan, ikaw pa ang hindi makakatulog!

I'll curse you Lucas!!! I swear!!!






















-----------
The next day... Ofcourse puyat ako. Malaki pa nga sa mga mata ko ang eyebags ko. Gusto ko pa sanang magkulong buong araw sa kwarto ko at magmukmok. Tutal bakasyon naman. Good thing, hindi ko na siya makikita sa pasukan.

Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa ceiling.

"Buti pa ang mga butiki, malakas ang kapit sa kisame kaya hindi agad mafofall."

Samantalang ako, ito. Wasak na wasak.

"Sandy!! Gising na! Alas nuebe na!" Pumasok sa kwarto si mama.

Tsk! Nambabasag naman ng trip si mama e. Gusto ko ngang magpaka-emo dito diba?

"Mamaya na po..."
Nagtalukbong ako sa kumot ko.

"Ano ka bang bata ka! Nakahain na yung pagkain! Lalamig yon!"-mama

Ok lang. Sanay naman ako na may nanlalamig sa'kin.

"Busog pa ko ma."

"Hay naku!!!!!" Hinila niya ang kumot ko.

"Mama naman!!!!" Hinila ko ulit.

"Tatayo ka ba dyan o susunugin ko ang kwarto mo?"-mama

"Haist!" Kinamot ko ang ulo ko saka ako tumayo.

Alam ko namang hindi talaga susunugin ni mama ang kwarto. Takot lang nun!! Pero tumayo na 'ko. Hindi naman kasi niya 'ko titigilan kapag hindi pa 'ko tumayo.

Bumaba na 'ko at pumunta sa table.
"Pancakes na naman -_-"
Kumuha ako ng tinidor at tinusok-tusok ang pancakes.

Umupo sa may harapan ko si mama. "Bakit? Favorite niyo ni Lucas yan diba?"

Shet... Don't say that effin word ma!!!

Kumuha ako ng bread knife at hiniwa ang pancake.

Iisipin ko na lang na mukha 'to ni Lucas.
Ang sarap tusukin at hiwain! Gusto ko na ngang ipalapa sa aso kong si Harry e!

"Akala ko ba hindi ka gutom? Halos kainin mo na pati ang plato"-mama

"Akala ko nga rin po e."

Akala ko hindi niya ko iiwan. Yun pala mali ako.

"By the way. Magsisimba tayo ng daddy mo bukas. Isama mo si Lucas."-mama

Hay naku ma! Masusunog yun for sure!

"Ma." Binitawan ko ang tinidor saka ako yumuko.

Pa'no ko ba sasabihin to?

"Break na po kami." Kinuha ko ulit ang tinidor.

Shocks... Bakit ba kailangan pa siyang pag-usapan? I'm sure, iiyak na naman ako.

And her face was like

😮

"Bakit?"-mama

Kasi ayaw na niya. Nagsawa na siya.

"Kasi ayaw ko na. Boring na. Nakakasawa na."
Sinungaling ka Sandy!

Pero ayo'kong mag-alala si mama. Kunwari na lang hindi ako nasasaktan.

Kahit mahirap magkunwari. Naiiyak na kasi ako sa harapan ni mama.

Bwiset. Ayo'ko ng ganito T_T

"May kukunin lang po ako sa kwarto."
Tumayo na 'ko at tumakbo papasok ng kwarto ko.

Agad kong linock ang pinto saka ako umiyak.

Bakit ganito? Buong araw na naman ba 'kong magdadrama?! Nakakainis na!!!

Umupo ako sa sahig at umiyak.

Ganito rin ako dati. Kaso ngayon, walang Lucas na lalapit sa'kin at patitigilin ako sa pag-iyak. Kasi wala na siya. Wala nang kami.

Kaya mag-isa na lang akong iiyak ngayon.

Biglang tumunog ang alarm ng cellphone ko. It means na 9:30 a.m. na. Oras na para sa favorite TV series namin ni Lucas.

Kinuha ko ang phone ko para patayin ang alarm. "Ang epal mo naman e. Ayo'ko na nga siyang maalala diba?" Tinype ko ang lock key para mapatay ko na ang alarm.
'0217'
Anniversary namin.

Shemay!!! Bakit ba lahat na lang ng makita ko may kaugnayan sa lalakeng yon!?

Yung oras... Yung pagkain... Yung mga kanta... Yung mga picture...

Lahat ng bagay...




Pati sa wallpaper ko kasama ko siya.



This is my first heartbreak. Ang hirap pala ano?

Forever Mo Your Face!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon