It's been more than a year since we broke up. Simula nung araw na yo'n, hindi na kami nag-usap. Hindi na rin kami nagpansinan.
Oo. Marami pa rin akong nababalitaan tungkol sa kanya. As usual, nag-eexcell pa rin siya sa bago niyang school.
May iba na rin siyang girlfriend. Oo. Iba pa ro'n sa ipinalit niya sa'kin. Ang galing ano? Samantalang ako single pa rin hanggang ngayon.
Bago pa naging kami, alam ko na na playboy siya. But I still believed na baka this time, magbabago na siya. Baka ako na ang huling babae na mamahalin niya. Sad to say, marami kaming naniwala ro'n. At marami kaming naiwan.
Buti nga hindi ko na siya nakita e. Well, not for long. Nakapasa rin ako sa school na pinapasukan niya ngayon. We both wanted to enter that school 'together'. Natupad pa rin namin ang isa naming goal. Yun nga lang, hindi na kami magkasama.
Siya nga pala, first day of classes ngayon.
Hindi ko sana siya makasalubong o maaninag man lanTao
🙏
As if naman lagi ko siyang maiiwasan -_-
Ok fine Sandy! Hindi ka pa rin nakakamove on.
"Hey!" Lumapit sa'kin si Zander Colis, ang panakip-butas ko. At least inaamin ko diba? Hindi yung pinapaasa ko siya.
And if ever na nagtataka kayo kung bakit magka-apelyido sila ni Lucas, magpinsan sila.
He's my classmate nung highschool so he knows me so well. Seryoso naman daw siya sa nararamdaman niya kaya pinayagan ko nang manligaw siya sa'kin kahit wala akong nararamdaman sa kanya. Pinapakita naman niya na sincere siya. Lagi siyang bumibisita sa bahay, nagiging close na rin siya kay mama. But not as close as Lucas. Ma-effort din siya. Hindi nga lang kasing effort ni Lucas.
Ayan. Lucas na naman.
"Do you want me to help you find your room?"-Zander
"Ahh.. No. Baka malate ka." Nginitian ko siya.
At kung nagtataka rin kayo kung bakit ako nililigawan nitong taong to... Gumanda na po ako. Haha. Hindi na ko mukhang nene ngayon. Syempre dapat better na tayo diba? I tried to improve myself after our break up. I graduated as the valedictorian. Sumali rin ako sa beauty pageant ng school. I also entered the official publication of the school. Nagpaka-abala ako para makalimutan ko siya. I guess at some point nagsucceed ako.
"You can go. Magkita na lang tayo mamaya."
"Are you sure?"-Zander
Oh gosh....
A devil approaching!!!!
Opo. Papunta siya dito sa direksyon namin.
😣
Biglang kumulo ang dugo ko sa nakita ko.
Girl! Ano'ng gagawin mo?!
"I changed my mind." Bigla akong kumapit ng parang linta kay Zander.
Syempre, kunwari may lovelife na 'ko.
Ayan na siya. Nasa harapan namin.
"Long time no see!" Tumigil siya sa harapan namin.Awkward....
This is the first time na kinausap niya ko after our break up.He looked at me.
Gosh! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Halos hindi na ko makahinga.
But I have to compose myself.
I have to act normal.
"Akalain mo, dito ulit tayo magkikita sa dream school natin."-Lucas
Dream school?
Wengya talaga ano!? How dare you talk about those things!!!!!!
Tao lang ako.
Nagmamahal.
Naniniwala.
Nagtitiwala.
Umaasa.
Naloloko.
Naiiwan.
Nasasaktan.
Umiiyak.
Pa'no ako babangon kung ang taong dahilan ng mga luha ko ay nakangiti ngayon sa harapan ko?
"Oo nga. Life's unpredictable." Ngumiti na rin ako. Ofcourse! Fake to.
Nagkita na lang din tayo, ibabalandra ko na sa harapan mo ang rebound ko.
"By the way, si Zander. You're cousins right?"
He smiled. "Yes. He told me that you've been friends for a while."
Friends... Nambabasag naman ng paghihiganti tong Zander na to!!!
"Friends.. Tama. We're good friends. " Bumitaw na ko sa pagkakakapit ko kay Zander. Friends lang naman kami e. Baka magmukha pa kong desperada.
"Ok. See you around."-Lucas
Kumaway na siya saka naglakad paalis.Ayan... Aalis ka na naman!!! Ikaw na naman ang naunang umalis!
Nakakadegrade talaga ang gano'n!
I sighed. Pareho pa rin siya ng dati. Inglesero pa rin. Buti ngayon nakakasabay na ko sa pang-iIngles niya.
He looks more handsome. Sabi na nga ba. Tulad ng iniisip ko dati, bagay sa kanya yung uniform ng school.
Hay!!! Ano ba?! Tama na yan!
At ito namang Zander na to!
"Let's go?"-Zander"It's already time. Go to your class." Kumaway na ko sa kanya saka ako tumakbo papunta sa building kung saan ako magkaklase.
Let's go mo mukha mo! Friends pala ah!!! Pa'no ko mapapakita kay Lucas na naka-move on na 'ko kung ganito?!
BINABASA MO ANG
Forever Mo Your Face!
Roman d'amourForever... That's what he promised to me. Oo nga naman, forever nga naman. Forever akong magtatanim ng pagkabitter dito sa sistema ko dahil sa pag-iwan niya sa'kin. It's just a typical story. Nagkakilala kami, nagmahalan... At some point of our live...