After our classes, agad na 'kong umuwi.
"Hi ma." I hugged her.
Sa lahat ng taong kakilala ko, si mama lang ang hindi ako iniwan. There's no doubt na super close ako sa kanya.Agad kaming dumeretso sa dining table.
"How's your first day?"-mama
Inayos niya ang mga plato sa table. Ako naman, tumulong sa paghahapag ng mga pagkain."It's fine. I met a lot of people. Sana maging friends ko sila. The professors are good. May mga mataray pero may mababait."
Umupo na kami. "Nagkita ba kayo ni.."-mama
"Ni Lucas po? Yes. I encountered him at the vicinity. "
Mukhang alam ko na kung saan makakarating ang usapan na to.
"Ma. Please, wag na lang nating pag-usapan si Lucas."
She smiled. "Sino ba'ng nagsabi na pag-uusapan natin siya? Sige na. Kumain ka na."
Ok. Assuming much. Pa'no naman kasi, nung last time na pinag-usapan namin si Lucas, bumuhos ang luha ko sa kwarto ko. Bigla kasi niya kong pinasok sa kwarto ko no'n. And she said na kahit wala akong kinukwento sa kanya, alam na niya agad na may problema ako.
Hayy. Mothers are really the best.
Tahimik kaming kumakain nang tumakbo palapit sa'min si Harry, yung aso ko. Agad siyang pumunta sa tapat ko.
"Hi Harry... How are you? Ok ka na ba?"
Ang galing ko diba? Kinakausap ko ang aso.Kakadala ko lang kasi sa kanya sa veterinary kahapon. Bigla kasi siyang naging matamlay. Ang sabi ng doctor matanda na raw siya kaya ganyan.
Ang saklap ano? Alam ko na hindi na rin magtatagal si Harry. Regalo siya sa'kin ni Lucas nung first anniversary namin. He's already six years old. We named him Harry kasi favorite namin ang Harry Potter series.
"Kawawa ka naman." I pat his head.
----------
Eleven thirty four p.m. na pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Nandito ako ngayon sa atique ng bahay namin. I'm just staring at the stars. Lagi kaming nanonood ng mga stars dati ni Lucas. Hindi nga lang sabay. Tumatawag siya lagi sa'kin para itanong kung nakikita ko ba yung mga constellations na nakikita niya.Lagi na lang si Lucas ang bukambibig ko ano?
I just can't get him out of my mind.
I sighed.
"Ang daming stars ngayon. Lucas... Nakikita mo rin ba sila?"
Biglang nag-ring ang phone ko.
O.o
I don't know the reason pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Agad kong kinuha ang phone ko.
Luc----
'Zander calling'
Si Zander pala.
"Hello?"
"I'm sorry.. I was not able to fetch you home."-Zander
Wala naman sa'kin yon e. Hindi man lang nga pumasok sa isip ko na hindi niya ko hinatid pauwi.
"It's ok. Hindi mo naman kailangang ihatid-sundo ako. Matanda na 'ko no!"
Dinaan ko na lang sa biro.
Sandy... Umamin ka. Umasa ka na sana si Lucas na lang ang tumawag.
Oo. Umasa ako. Kahit nag-break kami, hindi ako nagpalit ng phone number. Malay mo kasi maalala niya kong tawagan o itext man lang.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
"Zander..."
Medyo nanginginig na ang boses ko."What is it?"-Zander
"How does it feel if you'll see your ex again?"
Ang baliw ng tanong ko. Sa kanya ko pa tinanong."It's just nothing. May iba na 'kong mahal e."-Zander
Oo nga naman. Hindi naman niya ko katulad na hanggang ngayon hindi pa rin maka-move on.
"Buti ka pa."
Sinusubukan kong punasan ang luha ko. Pero hindi ko pa rin mapigilang umiyak."You're crying again right?"-Zander
Hayyyy.... Mukha na naman akong kawawa.
"I'm ok."
Ito lang naman ang kaya kong gawin. Ang magpanggap na ok ako."No you're not. I can see you from here."-Zander
Ha? Ano raw?
Tumingin ako sa paligid.
"Nasa bahay ka ba?"
"Yup. I'm just five steps behind."-Zander
Tumingin ako sa likod at nandun nga siya.He went near me.
"Pinapasok na 'ko ni tita."-ZanderUmupo siya sa tabi ko then he hugged me. "Cry it out. I know you've been holding your tears back since this morning."
At ayun... Bumuhos na naman ang luha ko. Tama siya. Kanina ko pa pinipigilan ang bwiset na luhang to.
"Nakakainis!!!! Akala ko okay na ko. Hindi pala."
Akala ko naka-move on na ko. Hindi pa pala.
"Sabihin mo... How can I move on?"
Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa'kin.
"Give yourself a second chance. Be my girlfriend. I'll help you forget Lucas."-ZanderGusto niya talagang magpagamit sa'kin para makalimutan ko si Lucas... Ganito ba talaga niya ko kamahal?
Should I accept his proposal?
BINABASA MO ANG
Forever Mo Your Face!
RomanceForever... That's what he promised to me. Oo nga naman, forever nga naman. Forever akong magtatanim ng pagkabitter dito sa sistema ko dahil sa pag-iwan niya sa'kin. It's just a typical story. Nagkakilala kami, nagmahalan... At some point of our live...