If I could just turn back the past...
Baka mas pinili ko na lang na hindi siya mahalin. Baka sakaling hindi na ko nasasaktan ngayon.
Schoolmates kami noong highschool. Ahead siya ng one year sa'kin. Sikat siya kasi basketball player siya at rank three sa batch nila. Gwapo siya. Maputi, matangos ang ilong, maganda ang mga mata. What I liked about him was his smile. Ang haba rin ng pilik-mata niya.
But he's not my crush. Playboy raw kasi siya. At ako, puro pag-aaral ang inaatupag ko no'n. At dahil wala akong hilig sa pakikipag-socialize, madalas akong ibully ng mga kaklase ko.
I can't forget the first time that he approached me. I was sitting at the floor of the library. Nagtago ako dun sa pinaka-dulong shelf... Ayo'ko kasing may makakita sa'kin. Ayo'kong may makakita na umiiyak na naman ako. Napagdiskitahan na naman kasi ako ng mga kaklase ko.
I was just sitting there, silently letting my tears flow. Hindi ako pwedeng mag-ingay kasi baka paalisin ako ng librarian.
"If you want to grow, don't just sit there and cry. Hindi ka naman puno."
I will never forget that voice. Medyo mahina lang ang boses na yo'n pero dinig na dinig ko.
I stared at the person who said those words. At siya ang nakita ko.
"Sayang ang libro kung laging nakatago." Umupo siya sa tabi ko at inabutan ako ng panyo.
Shocks!!!! Nakakahiya! Nakita ako ng campus crush ng ganito!! Baka pagtawanan lang ako nito! Baka lalo pa kong pagtripan ng mga tao >_<
"Ok lang ako." Hindi ko kinuha ang panyo na inalok niya. I just wiped my tears with my hands.
"Now I know why you don't have friends. " Kinuha niya ang kamay ko at linagay ang panyo niya.
He insisted na ibigay ang panyo kahit tumanggi na ko...
Wow. Ganito ba talaga ka-humble ang campus heartthrob?
Nakakahiya...
Loser lang naman ako e.
"Salamat."
At ayun. Kahit nagpabebe ako, ginamit ko na rin yung panyo niya."From now on, I will be your first friend." Sinabi niya yun sa'kin saka siya ngumiti.
Gosh!!! Totoo ba 'to?! Baka naman pinagtitripan lang ako nito!!!
Hindi ako makapaniwala na totoong nakikipagkaibigan siya sa'kin. It's too good to be true right?
Pero hindi e.
He really became my friend.
Then my bestfriend.
Hinila niya ko pataas. I gained confidence because of him.
At minahal ko na rin siya.
Luckily or should I say unluckily, he felt the same for me. It was our Junior and Senior Promenade when we became officially in a relationship. Maraming umangal syempre. Si Lucas Matthew Colis, nagka-girlfriend ng isang nobody?
Pero kebs lang. Mamatay sila sa inggit! Wahahahaha! Basta ako, masaya ako.He's a good boyfriend. Mabait, sweet, ma-effort, rinerespeto niya 'ko. Close din sila ni mama. Hindi ko na nakikita ang playboy na si Lucas.
He's my first love, first dance, first kiss...
We're almost perfect. That's what I thought. I guess almost is just not enough.
Simula kasi nung graduation niya sa highschool, bigla na lang siyang nagbago. Naging dry siya. Nawawalan na siya ng oras sa'kin. Hindi na rin siya masyadong nagkukwento. Kapag kasama ko siya, pindot lang siya ng pindot sa cellphone niya. Pumunta siya sa bahay na may bugbog siya. Pero wala siyang kinwento sa'kin. Minsan nga inisip ko na baka hindi na girlfriend ang turing niya sa'kin. But I still convinced myself na busy lang siya o kaya nag-aadjust lang siya kasi magkacollege na siya.Hinayaan ko ang mga duda ko.
Kaya yun. Nagmukha akong tanga nung nakipaghiwalay siya sa'kin.
Gano'n lang siguro talaga. Nothing lasts forever. Even the word 'us'.
Yung mga pangako niya sa'kin parang itlog. Nababasag kapag humihigpit ang kapit ko.
BINABASA MO ANG
Forever Mo Your Face!
RomanceForever... That's what he promised to me. Oo nga naman, forever nga naman. Forever akong magtatanim ng pagkabitter dito sa sistema ko dahil sa pag-iwan niya sa'kin. It's just a typical story. Nagkakilala kami, nagmahalan... At some point of our live...