Lucas' POV
Buong araw akong nag-stay sa disciplinary office at nagsulat ng kung anu-ano'ng promisory note. Pinarusahan ako kasi inakusahan akong nagsimula ng away.
My adviser was so disappointed about me.
Ako rin naman. Disappointed ako sa sarili ko. Wala na kasi akong nagagawang matino.I'm just a happy go lucky good for nothing sht.
Ano kaya kung umakyat ako sa rooftop at magpakamatay na lang?
And that's what I did. Umakyat nga ako sa rooftop ng College of Sciences. Pero hindi ako magpapakamatay. Gusto ko lang magpahangin sandali.
Pagkarating ko sa rooftop, nakita ko si Sandy na nakaupo at nakatingin sa taas.
She still likes to stare at the stars.
Just like the old times...
Lumapit ako sa kanya.
"Ang daming constellations... Nakikita mo rin ba sila?"- SandyTumingin siya sa likod. Sa direksyon ko.
"Oo. Nakikita ko sila." Tumingin na ulit siya sa taas.
Kinakausap na niya 'ko ngayon.
I suddenly felt an anticipation.
Iniisip ko kasi na bubugbugin niya ko o kaya sisigawan.
Mas gusto ko pa siguro yon kaysa sa umarte siya na parang okay lang ang lahat.
Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Sandy, napatawad mo na ba 'ko?
"This is the first time."Tumingin ako sa taas. "This is the first time na magkasama tayong nagsastar-gazing."
I tried to bring up a topic para makapag-usap kami. Lalakasan ko na rin ang loob ko. I need to properly say sorry to her.
"Parang ang lapit lang nila o."
I was not talking about the stars. I was talking about us.
"You're right... They look so close. But they're far."-Sandy
Parang tayo.
Kasama kita pero alam kong may iba ka nang mahal.
"Kumusta naman kayo ni Zander?"
Tae! Ang panget yata ng tanong ko."He's fine. He's caring, sweet. He's a gentleman. "-Sandy
Hindi siya mapakali sa tinanong ko.
"Ang sabi ko... kayo."
Hindi ako tumingin sa kanya. Gusto kong malaman ang sagot.It took her some time to answer my question.
"Our relationship is doing fine. Habang tumatagal, lalo ko siyang minamahal and I think gano'n din siya sa'kin."
Edi naka-move on ka na? Buti naman.
Sht happens at times.
Yumuko ako. "Gano'n ba? That's good to hear."
Kumpara kasi sa'kin, mas seseryosohin siya ni Zander.
"E ikaw? Kumusta? Sigurado may bagong girlfriend ka na naman."-Sandy
Wala. Simula nung nakita kita ulit, wala na 'kong ibang tinitignan kundi ikaw.
"I have no girlfriend. Wala rin akong nililigawan."
I just have to play it safe .
"What if hindi tayo nag-break?"
Sunud-sunod ang mga tanong niya. Nakakailang na.
BINABASA MO ANG
Forever Mo Your Face!
RomanceForever... That's what he promised to me. Oo nga naman, forever nga naman. Forever akong magtatanim ng pagkabitter dito sa sistema ko dahil sa pag-iwan niya sa'kin. It's just a typical story. Nagkakilala kami, nagmahalan... At some point of our live...