Chapter Seven: Constellations

8 1 0
                                    

Heartaches are worse than the physical pain.

Sana nga sinampal na lang ako. Hindi yung ganito, sinasampal ng katotohananan na wala na kong babalikan na Lucas.

Though I strive hard and wait... Mapupunta na rin sa wala ang lahat.


Pero umaasa pa rin ako.


Shet! Ang tanga ko!!!!!!!


"Sabihin mo... How can I move on?"


Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa'kin.

"Give yourself a second chance. Be my girlfriend. I'll help you forget Lucas."-Zander












----------


Sinagot ko na si Zander.

Kahit hindi ko siya mahal.

Do I sound stupid or desperate?

Oo. Ganun na talaga ako. At sino ba naman ako para tanggihan pa siya diba? Uod na nga ang lumalapit sa ibon, hindi pa ba niya tutukain?

It's been two months since we've been together. And I guess our relationship is going fine. Mabait siya, sweet. Pero lagi na siyang nawawalan sa'kin ng oras ngayon. He's been busy for his requirements and laboratory activities. Ganyan daw talaga kapag Medical Technology ang course mo so iniintindi ko na lang siya.

But what makes me worry is the fact na hindi man lang ako nalulungkot na hindi ko siya nakakasama. Hindi man lang ako nagdududa na baka nagloloko na rin siya. Hindi katulad nung si Lucas pa ang boyfriend ko.


And as usual... Hanggang sa phone calls na naman kami mag-uusap ni Zander.



And it's okay for me.


Ginabi na 'ko sa school. Sumali kasi ako sa drama club at umabot ng gabi ang rehearsals namin.
I found a calm place para makapagpahinga ako... sa rooftop ng College of Sciences.

Nakikita rito ang buong school. Simula sa gate hanggang sa oval. I can clearly see the stars from this place. Meron ding malaking puno na umaabot ang taas hanggang dito sa rooftop.

Everything's calm.

Umupo ako at nag-plug ng earphones saka ako tumingin sa taas.

"Ang daming constellations... Nakikita mo rin ba sila?"

Kahit naka-earphones ako, narinig ko ng maayos ang boses na yon.


Tumingin ako sa likod.



Tama. Siya nga.














"Oo. Nakikita ko sila." Tumingin na ulit ako sa taas.

Forever Mo Your Face!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon