CHAPTER 14: ang sabi ng manghuhula..

32 0 0
                                    

MELISSA' S POV

"Manong, bayad po.." pinaabot ko na dun sa Ale yung bayad ko..

kainis siya!!ambisyosa pala ako..yun pala yung tingin niya sa akin..

"ine, bakit ka umiiyak?" narinig ko nalang na tanong sa akin ng isang matandang babae..

yung pinag-abutan ko ng bayad kanina..

"wala po.." sabi ko sabay singhot..pakiramdam ko kasi parang tutulo na sipon ko..

asar!

"naaalala ko nung kabataan ko, umiyak din ako na parang ganyan..nung naghiwalay kami ng lalaking aking minamahal.." dagdag pa niya.

nangiti ako..bakit parang natutunugan niya yung dahilan ng iniiyak ko??

"manghuhula ho ba kayo???" tanong ko habang kinakabahan..

baka magalit siya sa tanong ko..

"paano mo nalaman Ine??" sabi niya sa akin sabay ngiti..

"hehe..naitanong ko lang po.." sagot ko.

"maganda ka hija..iwasan mo ng dumikit sa taong alam mong masasaktan ka..."

"o sige hija..bababa na ako..mag-iingat ka.." sinabi ng matanda sa akin sabay para sa jeep..

dapat ko kayang sundin yung sinasabi nung matanda??manghuhula kaya talaga siya??

pero..

wala naman sigurong masama kung iyon gagawin ko..

iiwasan ko muna si Matthew..

maya-maya pa ako naman ang bumaba..

naisip ko na kakaiyak ko lang..

pagkababa ko ng jeep agad kong kinuha yung panyo ko para punasan yung luha ko..

inayos ko din yung damit ko saka naglakad papasok sa kanto pauwi sa amin..

pagkadating ko sa amin, nakita ko si inay na kakauwi lang din..

baka galing kila Aling Nora at naglaba..

"nay!!" tawag ko kay inay sabay mano..

"oh anak, ginabi kana ata..san kaba galing??"

"s-sa school po inay..sige po pasok na po ako sa loob.." sabi ko kay inay kaso bigla niya akong hinawakan sa kamay..

hinawakan niya yung mukha ko..

"anak, umiyak kaba ha??"

bigla akong kinabahan sa tanong ni inay sa akin..pero hindi ako pwede maglihimsa kanya..

lumaki ako ng walang nililihim sa kanya..

bigla kong niyakap si inay..saka ako tuluyang umiyak..

"sige, iiyak mo lang anak..pagkatapos ikwento mo sa akin kung bakit kapag ok kana ha?" malambing na sabi sa akin ni inay..

pagkatapos kong magdrama kinuwento ko kay inay yung totoo..

lahat-lahat..

"anak, bata kapa..pero hindi kita pipigilan kung umiibig kana.wag mo lang sana hayaan yung sarili mo na magmahal ng taong sasaktan ka lang din.."

"mahal mo ba siya anak??pero ang akala ko kasi si Jed na yung gusto mo eh.."

sunud-sunod na sabi sa akin ni inay..

"inay..opo gusto ko si Matthew pero ngayon ko lang po naisip na baka hindi sa kanya nakalaan yung pagmamahal ko.."

"ayoko na po pag-usapan yung tungkol dun.."

this is what you called DESTINY..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon