CHAPTER 5: hiding the pain..

27 4 1
                                    

***

MATTHEW' S POV

bakit ganun?? dapat nga masaya ako dahil pumayag si Mia na ilakad niya ko kay Janelle..

pero di ko maramdaman yung saya..

"baby kumain kana ba? pinagluto kita ng favorite mong Beef Brocolli.." nagulat nalang ako ng marinig ko yung boses ni Mama..Bine-baby na naman ako..hayyyss

"Ma, I am no longer a Baby.. binata na ako..nakakahiya sa mga nakakarinig lalo na pag nasa Mall tayo.." mahinahon kong sabi kay Mama..

"baby padin kita hangga't wala kapang girlfriend..kaya kumain kana baby..mainit pa to oh.." ang kulit talaga ni Mama..ganto kami lagi araw-araw..

minsan mas gusto ko pang tumira sa condo unit eh..

"ok..Ma hintayin mo nalang ako sa baba.."

"ok baby"

arggghhh..magcocondo unit nalang talaga ako..tutal matagal ko ng hindi ginagamit yung condo ko..

im sorry ma..nakakasawa na kasi eh..

pagkatapos ko kumain dumiretso na agad ako ng school ng makita kong palabas ng kanto si Mia..

"tara sumabay kana..papasok na din ako eh.."

"wag na..kaya ko pa naman maglakad at saka exercise din to.."mabilis niyang sagot. napansin ko din na hindi siya makatingin sa'kin..

nakakapagtaka.

"tara na..malelate ka nyan.." binuksan ko yung pinto ng car ko sa side...

wala din siyang nagawa kaya sumakay na din siya..

matamlay siya ngayon.. di ko maiwasang mag-alala..

"Mia may sakit kaba?" medyo nag-aalala kong tanong..

"w-wala..may iniisip lang.."

"ah ganun ba.."

pagkatapos nun ni isa sa amin ay hindi na nagsalita hanggang makarating kaming school..

sabay na din kaming pumasok ng room pero di padin siya kumikibo..

di ko maiwasang mag-alala

at mapaisip kung ano ba ang problema niya.

MELISSA' S POV

"Mia may sakit kaba?"

bakit parang nag-aalala siya kanina sa tanong niya..

nasasaktan na naman ako..

maski ako di ko lubos maisip na mahuhulog loob ko sa kanya ng ganung kabilis..

nagulat naman ako ng kilitiin ako ni Janelle..

napakasaya niya. nag-ayos din siya ngayon kaya lalo siyang gumanda.. di ko maiwasang mainggit..

nginitian ko siya..

"mukhang malungkot ka sa ngiti mo bhez" sabi niya..

"h-ha..hindi..medyo masakit lang yung ulo ko..." pagpapalusot ko..

"nga pala bhez pag-uusapan na daw ninyo mamaya yung about sa Pageant..my meeting kayo mamaya..gusto ko nga sana samahan ka kaso magha-half day lang ako ngayon..mamaya na kasi namin susunduin si Daddy sa airport eh.."

"ganun ba.." yun lang ang naisagot ko..pakiramdam ko kasi pinaplastik ko lang si Janelle..hindi niya alam na nasasaktan ako dahil sa pagkagusto sa kanya ni Matthew..

LUNCH TIME

"bhez alis na ako ha..andyan na daw si Mommy sa labas eh.." sabi niya sa akin sabay beso..

"ingat kayo bhez" nginitian ko siya sabay beso din sa kanya..

wala akong gana kumain kaya sa room nalang ako nagstay..

yumuko nalang ako at sisimulan na sanang matulog nang maramdaman kong may tumabi sa akin.

pagtingin ko

si Matthew nakangiti..

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko..

"dinadamayan ka..mukhang malungkot ka eh.." sagot niya.

hindi ko lang masabi na malungkot alko dahil sayo...

"hindi ah..iniisip ko lang yung about sa pageant..nakakahiya.di ako maganda para sumali dun.." pagsisinungaling ko..

"mag-ayos ka kasi..mukhang di kapa nagsusuklay.." pagkatapos nun bigla siya tumawa..

"h-ha?ganun ba." sabay hawak ko sa buhok ko..

nakalimutan ko nga pala magsuklay kanina..

nakakahiya.:/

hindi na siya sumagot sa sinabi ko dahil kinuha niya yung cellphone niya..mukhang may nagtext..

"Mia tara na..magsstart na daw yung meeting about sa pageant.." sabay hila sa kamay ko..

hindi mo alam na sa bawat hawak mo sa kamay ko lalo akong nahuhulog sayo..

nahuhulog ang puso ko diretso papunta sayo habang iyang puso mo lumiliko papalayo..

this is what you called DESTINY..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon