CHAPTER 1: 1st day ng college life..

82 4 1
                                    

CHAPTER 1

***

"sa'n kaya yung roon natin Janelle"? tanong ko sa kaibigan ko. Madalas ko na siya kasama simula pa nung elementary..

"room 112 daw eh.."

natawa ako...

"uy, anung tinatawa-tawa mo dyan?" nagtatakang tanong niya..

"eh ayan na pala yun room natin eh" natatawa kong tinuro yung room sa tapat namin..

nagmadali kami sa pagpasok kasi andun na yung prof sa loob.

"Good morning Sir, sorry we're late.." sabi ko nalang sa professor namin. Infairness, mukhang bata pa at medyo gwapo..hehe

"come in" nakangiting sagot ng prof namin..

pagpasok namin sa room sinabi ko agad kay Janelle na naggwapuhan ako sa prof namin..

"kinikilig ka naman" sagot naman niya.

"medyo,hehe" kilig kong sagot..

late na nga kami nagdadaldalan pa..nakinig muna kami sa prof.. 3 hours din halos yung klase..

nakakagutom..

sa wakas 11:30 na...natapos na din ang klase...

lunch time na kaya dumiretso na agad kami sa canteen..

"ano oorderin natin? tanong sa'kin ni janelle habang nakatingin sa menu..

"sizzling sisig nalang sa'kin" sagot ko.kumukulo na tiyan ko kanina pa.. Masyadong excited sa pagpasok sa school kaya pati breakfast kinalimutan --.--

parehas na namin hawak ung in-order namin ng biglang...

*BOOOOGGSS* 

"aray !!" yun nalang nabigkas ko matapos akong mapaupo sa sahig at matapunan ng umuusok na sisig T.T

"sorry Miss,hindi ko sinasadya.." nag-aalala niyang sabi..

"itayo mo muna kaya ako bago ka magsalita dyan!" irita kong sabi..puro ako paso sa braso..huhu

itinayo naman niya ako at nag-apologize siya ulit..

tinitigan niya ko ng matagal..

"ano tinitingin-tingin mo dyan?!!!"tanong ko sa kanya..ang gwapo pala niya..pero kahit na tinapunan niya ko !

"Betty?"

tinitigan ko siya..

"Matthew??!!"

natawa siya..

"sa napakalaking mundo na'to, akalain mong kaw pa makakabangga sa'kin." inis niyang sabi..

"hoy lalake, para sabihin ko sayo..Ikaw ang bumunggo sa'kin...bayaran mo yan!" sabay lahad ng kamay ko para iabot niya sa'kin yung tinapon niya..

"o ayan ! baka maiyak kapa dyan !" pagkaabot niya sakin ng pera bigla na siyang umalis..

pinagpag ko na yung damit ko at bumalik ako sa upuan sa tabi ni Janelle..Halos tulala padin si Janelle sa nangyari..Nakatingin din pala yung mga taong kumakain..

nakakahiya pero um-order nalang ako ulit..

nung inabot ko yung bayad nagulat ako dahil P500 pala yun binigay sa'kin na pera ni Matthew..Samantalang P80 lang naman yung natapong pagkain..

pero kulang pa nga to eh! paano na'tong damit ko..napakadumi...asar !

pagkatapos ko um-order, lumapit na ko kay Janelle para kumain..

"Ang gwapo na ni Matthew.."tulalang sabi ni Janelle.

"kainis ka!!natapunan na ako't lahat iyan lang sinabi mo???" inis kong sabi habang namumuwalan pa yun bibig..

"sorry bhez..nagulat lang ako kasi ang gwapo na talaga niya.."

"kumain nalang tayo...hmp"

4pm..natapos na din kaming mgklase..

---pls vote X))...

this is what you called DESTINY..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon