CHAPTER 12

78 1 2
  • Dedicated kay Alrose Valderama Tugadi
                                    

MELISSA' S POV

"ui!!!"

"ay bulaga!" napasigaw ko nalang bigla..paglingon ko kasi andun si Jed sa likod ko..

asar!!gulatin ba naman ako???!!!

"pasensya kana..may iniisip lang.." sabi ko nalang sa kanya.

"ah eh yung best friend mo??bat di mo ata kasama..??" tanong niya sa'kin.

"wala siya..maglulunch daw siya kasama ng boyfriend niya.."

"ha??may boyfriend na siya?ang bilis naman..haha"..sabi niya habang tumatawa.

"hmmm..kumain kana ba??nagugutom na kasi ako eh.."

pag-iiba niya bigla ng topic..

sasagot na sana ako ng bigla niya akong hinatak sa kamay palabas ng room..

"t-teka teka!!sa'n mo ko dadalin???!!!!" gulat kong tanong sa kanya kasi halos tumatakbo na kami..

ISANG MALAKING NGITI lang ang sinagot niya sa tanong ko..

"hoy hoy Jed..nakikiusap ako..kung may iniisip kang gagawin sa'kin please lang..kung ayaw mo masira pagkakaibigan natin!!" pagkasabi ko sa kanya bigla ko hinila yung kamay ko palayo sa kamay niya..

"ang O.A mo naman...kakain lang tayo sa canteen.."

"ah...hehe..peace ^_^.." pahiya kong sabi..panu wagas kung manghatak..T.T

"ano gusto mong orderin??"tanong niya sakin ng makarating na kami sa canteen..

"ha?kahit ano..kaw bahala.."

pagkasabi ko nun agad na siyang umalis para um-order samantalang ako humanap ng pwesto na mauupuan namin..

mas napili ko umupo sa hindi matao..

nga pala..baka iniisip niyo ang kapal ng mukha ko at nagpapalibre ako...

nagtatampo kasi yun pag inaabot ko sa kanya yung bayad ko..

at saka para makatipid na din...hehe

pagdating niya agad ko siiyang nginitian..parang ganito :)

kaso nang matingin ako sa likod niya..ganito itsura ko O.o

mukhang nagulat din si Jed sa expression ko kaya lumingon din siya sa likod..

natanaw kong nginitian niya ang mga ito at inaya pa sa table namin kumain..

si Janelle at si Matthew yun...magkasama sila at holding hands pa.

umupo na si Jed sa tabi ko..

hindi pa kami kumakain dahil sabi ni Jed hintayin na daw namin kumain yung magboyfriend para sabay-sabay na kumain..

maya-maya pa dumating na din yung dalawa hawak yung in-order nila..

"ang sweet ha.." sabi ni Jed sa kanila..

pakiramdam ko iniinsulto niya ko..pero imposible naman niyang gawin yon..

isang malaking ngiti lang ang sinagot ni Janelle sa sinabi ni Jed samantalang si Matthew ngumiti ng pagkatipid-tipid..

umupo na yung dalawa sa harap namin..

haisst.

panu kaya ko makakakain nito eh nasa tapat ko pa naman si Matthew..T.T

napansin ko din na pati siya di pa kumakain..

pero si Janelle at Jed???ayun chibog ng chibog..matindi ata yung gutom..haha

this is what you called DESTINY..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon