***
MELISSA' S POV
"siguro bhez mapapanatag na ako.. kasi may panakot na ako kay Matthew..haha" natatawa kong sabi kay Janelle habang iniimagine na lumuluhod sa'kin si Matthew para huwag lang mabunyag lihim niya..
"masaya kaba talaga sa pananakot niya??" seryosong tanong ni Janelle.
nagtaka at napaisip ako sa sinabi niya..
"pagod na kasi ako sa araw-araw na panlalait niya sa'kin.." sabi ko sa kanya habang naglalakad sa corridor..
sarap na sarap na ako sa pag-eemote ng mapansin kong wala si Janelle sa tabi ko..
bruha talaga.!
teka...ano ba kasi yung binabasa niya sa bulletin board..
eh ba't di ko kasi puntahan ng malaman..
*e-n-g-o-t*
"alam mo yung feeling na ng-eemote ako dun kaso wala na yung kausap ko??!" tampo kong sabi..
"hehe sorry bhez..napansin ko kasing binabasa ng mga girls at boys dito yung nakasulat kaya na-curious ako.."
"eh teka.ano ba nakalagay ??"
"Search for Mr. and Ms. Miami Colleges"
"gusto mo sumali no??" tanong ko sa kanya habang medyo nalulungkot..
kung maganda lang ako sumali na ako sa ganyan..
"sira !ikaw ang isasali ko dito.." nae-excite niyang sabi..
"joke ba yan??hindi naman yan Search for Mr. and Ms. Ugly eh !"
"ayan ka na naman.. wag mo kasi maliitin sarili mo..maganda ka..hindi ka lang palaayos.."
kokontra na sana ako ng humirit pa si Janelle..
"at...akong bahala sa beauty mo.."
kinakabahan man pero nakita ko na kumuha si Janelle ng papel at finill-up-an yung form..
"ayan..nilista na kita.. don't worry akong bahala sayo.."
iniisip ko yung posibleng mangyari..pero di' ko maiwasang maexcite..
natawa akong bigla..yung tipong pang kontrabida..haha
pwede kasi akong maghiganti kay Matthew kapag nakita niya ako na gumanda... baka ma-inlove siya sa akin at kapag nanligaw siya..hindi ko siya sasagutin..haha
"ano bang tinatawa-tawa mo dyan??
"h-ha??ah e wala..may naisip lang ako" mabilis kong sagot sa kanya..
"at ano naman yun?
at na-curious pala ang ateh..
kinwento ko sa kanya..di ko naman mailihim sa kanya ang mga bagay-bagay eh..
"haha..ang maisipan mo talaga bhez!" natatawang sabi ni Janelle.
"haha..teka anong oras na!! late na tayo ng 10 minutes sa klase kay Ma'am Bautista!" madali kong sabi kaya hinila ko nalang si Janelle para mabilis kami makapuntang room..
"sino sa inyo class ang gustong sumali sa pageant ng school natin??" narinig nalang naming sabi ni Ma'am Bautista nung nasa pinto kami ng room...
"s-si Melissa po Ma'am.." sabi ni Janelle nun pagpasok namin ng room..
narinig kong tumawa si Matthew pero di ko nalang pinansin..
"ok hija.. may iba pa ba sa inyo na gusto sumali??"tanong ni Ma'am sa lahat.
BINABASA MO ANG
this is what you called DESTINY..
Romanceang "this is what you called DESTINY" ay patungkol sa isang babae na madalas bully-hin dati dahil sa kanyang pangit na itsura..Nang siya'y nagbago,muli niyang nakita ang dating kaklase na umiibig ngayon sa kanya..Magawa din kaya niyang ibigin ito sa...