Chapter One

6.2K 116 32
                                    

            Iminulat ni Christian ang kaniyang mata. Kasalukuyan siyang nanunuluyan sa isang rest house. Matatagpuan ito sa bayan ng Lazi sa Siquijor, na milya-milya ang layo sa Kamaynilaan.

            Isang professional photographer si Christian at ang kalikasan ang paborito niyang kuhanan ng larawan at inspirasyon. Kaya naman tamang-tama lang ang lugar na ito para sa kaniya. Napakaganda kasi ng lugar na ito. Napakalinis rin at tunay na alagang-alaga ang kapaligiran. Iyon nga lang, hindi siya nagtungo rito para sa kaniyang hilig. He was here to mend his broken heart.

            Bumangon siya at nagtungo sa tesera ng kwarto. The morning breeze greeted him upon sliding the door open. Alas-singko pa lang ng umaga kaya naman malamig pa ang hangin. Pero hindi niya iyon alintana kahit ba isang maikling boxer brief lamang ang suot niya.

            Lumapit siya sa railings at kumiling dito. Kararating lang niya rito kagabi. Wala naman talaga siyang planong magpunta rito kundi lamang sa suhesyon ng kaibigan niyang si Dan na magbakasyon muna sila para makalimot.

            Ipinikit niya ang kaniyang mata. Ah! Ilang linggo na ba siyang nagluluksa sa sinapit ng relasyon nila ni Desiree? Halos isang buwan na rin ngunit bakit hindi niya ito magawang kalimutan?

Kung sa bagay, sobra kasi niya itong mahal na tipong nagawa pa rin niya itong tanggapin sa kabila ng mga panggagago nito sa kaniya. He supposed to loathe her pero pinili pa rin niya itong kampihan. Nagawa pa niyang gumawa ng kung anu-anong kwento para lang mas madiin si Greg gayong ito naman talaga ang puno’t dulo sa lahat. Lahat ng ito ay dahil sa pagkabulag niya sa pag-ibig kay Desiree.

Pero ano ang nangyari? Sa huli’y siya pa rin ay ganito ang sinapit ng lahat. Nagmukha lang siyang tanga. Sayang dahil plano pa naman sana niyang pakasalan na ito kapag natapos na ang kaso. Kaso, wala. Pinili ni Desiree si Greg kaya naman ibinigay na lamang niya ang singsing dito at pinilit itong panindigan ang ginawa sa nobya.

Naramdaman niya ang pang-iinit ng sulok ng mga mata kaya napapikit siya ng mariin upang pigilin ang pagtulo nito. Tama na. Ayaw na niyang umiyak. Sabi nga ng kaibigan niya, babae lang iyon. Tinarantado rin siya noon. Hindi ito ang tipong babae na sisira sa buhay niya.

Kaya naman nagdesisyon siyang muling pumasok ng kwarto. Kumuha siya ng sweater at sweat pants sa maleta at isinuot iyon. Pagkatapos ay kinuha rin niya ang SLR niya at chineck kung ayos ba ang lens nito. Aabalahin na lamang niya ang sarili sa pagkuha ng magagandang larawan sa labas. Tamang-tama pa naman dahil malapit na rin mag-sunrise.

Bumaba siya ng kwarto. Bumungad sa kaniya ang matandang mag-asawa na caretaker ng rest house na iyon. Binati siya nito ng magandang umaga at inalok ng kape.

“’Di na po, Aling Patring. Mamaya na lang po pagbalik ko,” magalang niyang tugon bago siya lumabas ng bahay.

Naglakad-lakad ang binata. Mula sa tarangkahan ng rest house ay nakita niya ang isang gubat. Namangha siya nang makita ang nagkukumpulang mga alitaptap sa mga puno. Napakaganda nitong pagmasdan. Aakalain mong napapaligiran ito ng mamahaling Christmas lights. Kaya kahit madilim pa, lakas-loob niya itong pinasok dito upang kuhanan ng larawan.

Inihanda niya ang camera bago nagsimulang kumuha ng larawan. Sa kada makakita siya ng magagandang kuhanan, hindi niya pinapalampas ang pagkakataon. May nakuhanan siyang larawan kung saan bumuo ng hugis-puso ang mga alitaptap. Mayroon din siyang pinicturan na maliit na halaman na punung-puno ng alitaptap kaya naman nagmumukha itong nagliliwanag.

Hanggang sa napansin niya ang pagliliparan ng mga alitaptap patungo sa isang partikular na direksyon. Out of curiosity, sinundan niya ito at bumungad sa kaniya ang isang napakagandang tanawin – isang maliit na talon. Dito sa lugar na ito higit na maraming alitaptap kaya naman napakaganda nitong pagmasdan. Para tuloy siyang nasa isang kwentong may fairytail na tema.

SBS SS#1: Summer Scent [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon