Chapter Nine

2.4K 65 4
                                    

KANINA pa nakaharap si Maine sa salamin. Kanina pa rin niya in-e-examine ang ilong niya. Kanina pa rin niya paulit-ulit na dinudutdot ang loob nito na animo’y nag-tre-treasure hunting ng… ng kung anuman ang pwede niyang makuha rito.

May kulangot ba talaga ako? Nagtataka monologo niya. Sabi ni Kuya, meron daw. Pero bakit parang wala naman?

Naramdaman na lamang niyang kumulo ang tiyan niya. Agad niya itong niyapos. Ito na naman. Ramdam na ramdam na naman niya ang gutom. Wala pa rin kasi siyang matinong kain. Tapos, ang meryenda sana niya’y nabalewala rin dahil sa kakasatan ni Christian.

Ay, kakasatan pala namin.

Muli niyang sinariwa ang nangyari kani-kanina sa isip. Hindi tuloy niya mapigilang mapangiti. Sa totoo lang, hindi kailan man niya naisip na may napakakulit palang side si Christian. Hindi naman sa napakaseryosong tao ang tingin niya rito. Sadyang parang ang hirap kasing isipin na gano’n si Christian lalo pa’t…

Muli siyang natigilan nang maalala ang nangyari kanina sa kwarto niya. Napawi tuloy ang ngiti niya. Naroon si Christian na umiiyak sa tabi niya. Nananaghoy ito dahil sa panloloko ng kasintahan nito.

Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit napawi ang ngiti niya. Hindi iyon dahil sa naaawa siya kundi dahil naramdaman niya ang isang bagay na totoong hindi niya dapat maramdaman – ang inggit.

Napabuntong-hininga siya. Bakit ba niya iyon naramdaman? Bakit siya naiinggit kay… ano na nga ulit ang pangalan ng ex-girl friend ni Christian? Oh, never mind. Basta sa babaeng iyon na pinagtaksilan ang lalaking tingin niya ay “perfect boyfriend”. Dahil ba ito sa gusto rin niyang magkaroon ng lalaking katulad ni Christian? Pwede rin pero, base sa naramdaman niya kanina, hindi, eh. Parang iba. Mas malalim ang dahilan niya kaya niya iyon naramdaman.

Hindi tuloy niya maiwasang mag-alala nang sumagi naman sa isip niya ang naramdaman kanina nang nasa pool silang dalawa ng binata. Ang kakaibang pagtibok ng puso niyang iyon ay kakaiba sa lahat. Mas matindi pa nga iyon kaysa sa naramdaman niya sa dalawang lalaking “inibig” niya. Hindi lang dalawang ulit. Marahil ay sampo. Ano kayang ibig sabihin nito? Hindi kaya…

Napailing na lamang siya saka hinarap ang salamin.

“Iyan ka na naman, Maine. Tumigil ka na nga,” sita niya sa sarili. “You’re not in love with Kuya Christian, intinde? Crush lang ito. Crush lang talaga!”

Sa huli pang pagkakataon, tiningnan niya kung mayroon pa—o mas tamang, mayroon nga— bang dumi sa loob ng ilong. Pagkatapos, kumuha siya ng cotton buds para linisin ang tenga bago nagdesisyong lumabas ng kwarto.

Bumungad sa kaniya ang napakadilim na kabahayan nang buksan niya ang pinto ng kwarto niya. Aakalain mong gabi na kung hindi niya narinig ang isang malakas na kulog.

“Nako, mukhang babagyo yata!” sabi na lamang niya. “Nasa’n na kaya sila Aling Patring? Nakasakay na kaya sila ng Bangka? Baka naman, stranded sila do’n!”

Napatili na lamang siya nang biglang dumating na magkasabay ang isang kulog at kidlat na napakalakas. Ang matindi pa’y mukhang malapit lang iyon sa bintana, na nasa tabi lang niya, tumama.

Napaupo siya sa sahig at napatakip ng tenga. Hindi siya takot sa kulog pero sa kidlat, oo, lalo na kapag mukhang napakalapit lang niyon sa kaniya. Pakiramdam kasi niya’y hahabulin siya nito kahit saan siya magpunta.

“Maine!”

Ibinaling niya ang tingin sa gawing kanan. Bumungad sa kaniya si Christian. Napansin niyang hingal na hingal ito na animo’y tumakbo. Napansin din niyang tanging short lamang ang suot nito. Nataranta ba ito nang marinig ang sigaw niya?

SBS SS#1: Summer Scent [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon