Chapter Six

2.7K 70 3
                                    

“Ano kaya? Hmmm…” bulong ni Maine sa sarili habang naghahanap ng pwedeng lutuin sa refrigerator. “Pang-chicken curry lang yata ang meron dito, eh.”

Kasalukuyang “nag-bre-brainstorm” ang dalaga ukol sa kung ano ang putaheng lulutuin niya para sa kanilang tanghalian ng bisita. Hindi naman talaga dapat mahirap ito para sa kaniya dahil, kahit ba paubos na ang stock nila ng pagkain, marami pa rin naman siyang pwedeng mailuto. Hindi rin din naman niya kinakailangan maghanda ng marami dahil dadalawa lang naman silang kakain at mamayang hapon pa uuwi ang dalawang matandang kasama niya sa bahay.

Ang kaso’y hindi niya alam kung magugustuhan ba ng binata ang ihahanda niya. Bagaman marunong naman magluto, aminado siyang hindi siya kagalingan. Ang quality kasi ng lasa ng mga niluluto niya ay ‘yung tipong “pwede na” at “edible pa naman”.

Pasimple niyang sinilip si Christian. Nakaupo ito sa sala at kasalukuyang nanunuod ng pang-tanghaling palabas. Halatang libang na libang ito dahil maya’t maya’y tumatawa.

“Magustuhan n’ya kaya lulutuin ko?” muli niyang bulong sa sarili. “Hindi pa naman ako marunong magluto ng binagoongan 'tsaka gayusan.”

Napabuntong hininga siya saka muling tiningnan ang refrigerator. Wala na talaga siyang alam iluto bukod sa chicken curry.

“Bahala na nga,” sa wakas ay sabi niya saka kinuha ang hiniwang frozen chicken na maayos na nakalagay sa isang kulay asul na Tupperware. Kumuha rin siya ng carrot, patatas at bell pepper sa pinakailalim na lalagyan bago isinara ang fridge at dinala ang mga iyon sa lababo para hugasan at gayatin.

Habang nagluluto siya, hindi niya mapigilang mapangiti. Dahil sa nabuo niyang conclusion kanina, wala na siyang dahilan para ma-awkward-an sa binata. Normal lang naman kasi talaga ang makaramdam ng physical attraction sa isang tao, to think pa na gwapo nga naman kasi talaga si Christian. As long as hindi siya magsasabi ng “nararamdaman” tungkol dito, walang dahilan para ma-praning siya.

Kuh, ba’t kasi ngayon ko lang na-realize na crush lang talaga ang nararamdaman ko, hindi love? 'Ay naku, Charmaine Lasar!

Nang matapos niyang ihanda ang lahat ng sangkap, nagsalang na siya ng kawali, naglagay ng mantika at hinintay itong uminit. Hindi naman nagtagal ay nakita na niya ang manipis usok mula sa kawali kaya kinuha na niya ang ginayat na bawang at sibuyas upang igisa.

Samantalang, habang ang dalaga’y abala sa kaniyang ginagawa, lihim itong sinusulyapan ng tingin ni Christian. Sa totoo nga lang ay kanina pa niya iyon ginagawa. Simula pa ng bumaba ito at binuksan ang ref para maghanap ng pwedeng iluluto.

Para sa lunch ba naming ‘yon? Ano kayang iluluto niya?

Napansin niyang nagsimula na ang dalagang maggisa ng bawang at sibuyas. Lumikha iyon ng munting ingay sa kusina. Tinitigan niya itong mabuti. Was Maine doing her work energetically or it just his imagination? Either way, it gave him this weird sensation. Sa kada paghahalong ginagawa nito ay tila ba bumabagal ang oras. Seems like everything around them was vanishing from his senses slowly. And what was this weird feeling in his ribcage? Bakit parang ang sarap sa pakiramdam na kasalukuyang nagluluto ngayon ang dalaga ng kanilang pananghalian?

Hanggang sa nasamyo na lamang niya ang aroma na nagmumula sa kusina. Pinagsamang amoy iyon ng ginigisang bawang, luya at sibuyas. He found that scent to be hypnotic. Para bang may kamay na umaaya sa kaniyang tumayo at lapitan ang dalaga.

And he was not reluctant on giving way. Bago niya iyon napagtanto, natagpuan na lamang niya ang sarili na naglalakad papunta sa kusina… papunta kay Maine! Mabuti na nga lang ay abalang-abala ang dalaga sa ginagawa kaya hindi siya napansin na nasa likod na pala siya nito. Kasalukuyan nitong nilalagyan ng patis ang niluluto.

SBS SS#1: Summer Scent [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon