Chapter Five

2.5K 64 2
                                    

SA BUONG dalawang oras na pamamalagi sa kwarto ay walang ibang ginawa si Maine kundi ang magpaikot-ikot sa kama niya. Maya’t maya ang pag-iiba niya ng pwesto sa kama. Paano ba naman kasi’y binubulabog pa rin ni Christian ang isip niya.

Bumangon siya. “Kuya naman, eh! Pwede bang umalis ka muna sa utak ko? Kahit ngayon lang!” inis niyang sambit saka ginulo ang sariling buhok. “Tapos kanina, muntik mo pa kong—“

Napatigil siya sa pagsasalita saka wala sa loob na hinawakan ang mga labi. What happened earlier was a blast! Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya sa pinaggagawa niya. Nang dahil sa kagagahan niya ay kamuntikan na siyang mahalikan ni Kuya Christian niya. Mabuti na lang talaga’y naging maagap ang mga braso nito sa pagtukod sa sahig kaya hindi natuloy. Otherwise, paniguradong hindi na talaga siya lalabas ng kwarto hanggang sa umalis ang bisita.

However, she cannot hide the fact that that incident was sensationally flabbergasting to the point na hindi niya maiwasan ang mamula. Christian was just amazing. That pair of squinted eye struck her by wonder and his breath was intoxicating. Parang hanggang ngayon ay naaamoy pa rin niya ang mabango nitong hininga na kumiliti sa ilong niya kanina. This was actually the reason kung bakit hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa isip niya si Christian, hindi dahil sa kahihiyan.

Bumuntong hininga siya saka ibinaba ang mga kamay. Here she goes again. Nararamdaman na naman niya ang takot na iyon. Ayaw na niyang magpadala sa sakit niya. She was tired of it. Ito ang naging dahilan kung bakit siya napalayo sa mga magulang. Now, she missed them badly. Gusto na niyang umuwi sa mga ito pero natatakot siya sa posibleng sabihin ng mga ito kapag nagharap-harap silang muli. After all, ipinagpalit din naman niya ang mga ito sa ibang bagay na kung tutuusin ay hindi naman pala dapat maging mahalaga sa kaniya.

Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Naramdaman niyang may tutulong luha rito kaya agad niyang ipinikit ang mga mata upang pigilan ang pagtulo nito. Tanggapin pa kaya siya ng mga magulang? Parang natatakot yata siyang alamin iyon. Baka lalo lang din siyang mapaiyak.

Natigilan na lamang siya nang biglang may kumatok sa pinto. Agad niyang pinunasan ang mga mata.

“S-sandali lang,” sabi niya.

With her eyes still teary, tumayo siya at binuksan ang pintuan. Bumungad sa kaniya si Christian, with his manly aura and kindling allure, of course, dahilan upang umatras bigla ang mga luha niya.

“Hi?” bati nito.

Napalunok ang dalaga. His muscles were defined and were obvious even with his clothes on. His bone structure and skin complexion were nothing but perfection. Muli na naman tuloy naglaro sa isip niya ang nakita niyang kahubaran nito kaninang umaga!

She quickly jerked those thoughts out of her mind. Ano ba naman ito? Just a moment ago, nagdradrama siya dahil sa mga kapalpakan niya sa buhay, including her uncontrollable urge to love. But now? Here he goes again. Muli na naman siyang nawawala sa katinuan.

Napaiwas siya ng tingin. “B-Bakit po?”

“Chinecheck lang kita kung okay ka lang,” sagot naman nito. “Kanina ka pa kasi nagkukulong d’yan. Ni hindi ka man lang lumalabas.”

Chinecheck? Does it mean na… concern siya sa ‘kin?

“Maine, bigla ka yatang namula?” sabi na lamang ni Christian. Mapang-asar ang tono nito. “Crush mo ba ‘ko?”

This caused her to panic. “Waah!” Mahina niyang hinampas ang braso nito. “Hindi, ah? Feelingerz ka masyado!” saad niya saka napaiwas ng tingin as she forced herself not to blush.

Mahina tumawa si Christian. “Okay lang naman, Maine, kung umamin ka.” Ginulu-gulo nito ang buhok niya. “Gwapo naman kasi ako kaya natural lang na may magka-crush sa ‘kin.”

She frowned. Ano daw?

Pero bago pa man makapag-react ang dalaga, nagpaalam na si Christian sa kanya.

“Sige, Maine, alis na ‘ko. Dumaan lang talaga ako dito para i-check kung okay ka lang,” anito saka siya tinalikuran at tuluy-tuloy na bumaba patungo sa first floor.

Sinundan siya ng tingin ng dalaga. “Ang hangin, ah?” bulong niya.

Ayaw na ayaw kasi niya sa mga taong lantaran ang kahambugan, lalo na pagdating sa pisikal na kaanyuan. Ayos lang naman ang ipagmalaking maganda o gwapo ang sarili pero huwag naman sa ganitong paraan. Nakaka-turn off kasi talaga para sa kaniya.

“Sa bagay, tama naman s’ya,” dugtong na lang niya saka isinara ang pintuan. “Gwapo kasi talaga siya.”

Ipinikit niya ang mga mata at isinandal ang likod sa pintuan. Itong bang nararamdaman niya… was it just a simple infatuation? Kung oo, then baka ang mga naramdaman niya noon ay physical attraction lang!

She smiled as she drew out a conclusion. Now, she knew it. Wala siyang sakit na tulad ng iniisip niya. There was nothing wrong with her emotion. Ang mali lang talaga sa kaniya ay ang kawalan niya ng disiplina sa sarili. There was nothing wrong on having crush or even crushes. It was natural! The real deal here was she often mistook it for love gayong hindi pa naman talaga.

“Ba’t kaya ngayon ko lang ito naisip?” she whispered. “Kun’ ‘di pa magpapakahambog si Kuya, hindi ko ito maiisip. I’m so bobo talaga! Haha…”

Muli niyang hinarap ang pintuan at bahagya itong binuksan upang isilipin ang kanyang Kuya Christian na nakaupo sa sofa sa sala. Now, she got more reason kung bakit siya tila amaze na amaze dito.

“Mabuti na lang pala hambog ka. Baka hindi ko ‘to na-realize agad,” muli niyang bulong. “Thanks, Kuya!”

SBS SS#1: Summer Scent [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon