Chapter Three

3.2K 79 13
                                    

BUMANGON si Christian mula sa pagkakahiga sa reclining beach chair. Sa wakas ay tumigil na rin ang pagdurugo ng ilong niya, matapos ang ilang minuto. Minasa-masahe niya ang sentido. Kanina pa iyon nananakit dahil sa napakaraming dahilan: ang una ay ang maling pagbagsak niya sa tubig. May pumasok kasing tubig sa ilong niya tila umakyat iyon sa ulo niya. Ang pangalawa naman ay ang matagal na pagpatong ng icepack sa noo niya. Lastly, ang talagang nagpasakit sa ulo niya, ang sunud-sunod na kamalasan niya sa araw na ito.

                He heaved a sigh out of hopelessness. Kapag ganitong may dinadamdam siya, ugaling-ugali niyang kinakalikot ang camera. Pero ngayon ay hindi niya iyon magagawa dahil sira na ito. He tested it earlier. Ayaw talagang gumana. Ang hiling nga lang niya’y sana’y hindi nasira ang memory card nito. Otherwise, he was doomed. Wala pa siyang back-up ng mga kinuhanang kaninang madaling araw. Magaganda pa naman at mukhang once in a blue moon lang ang pagkakataong makakuha siya ng ganoong larawan.

                Biglang sumagi sa isip niya ang misteryosang babaeng bigla na lamang lumitaw sa harapan niya at walang-habas na sinipa ang kaniyang, well, kinaiingat-ingatang yaman. He didn’t have the hellest idea kung bakit nito ginawa iyon sa kaniya, though naalala niyang sinabihan siya nitong manyakis. Siya? Manyakis? Ano’ng ginawa niya rito para sabihan siya ng ganito? Ni hindi nga niya ito napansing naliligo pala sa batis dahil tutok na tutok siya sa pagkuha ng larawan.

                However, he cannot hide the fact that her figure was damn perfect. He found this girl hot, kahit hindi pa niya ito kilala.

That thought made him frown. What was he thinking? Bakit niya pinupuri ang hubog ng isang estrangherang may atraso sa kaniya? Kung sa bagay, totoo naman kasi ang sinabi niya. Sexy naman talaga ito at totoong maalindog. Pero, kahit na ba!

Marahas siyang napakamot ng ulo. Ano bang nangyayari sa kaniya? At bakit ba niya iniisip ang babaeng iyon? That girl wrecked his day!

Oh, hindi nga lang pala isa ang babaeng sumira sa umaga niya kundi dalawa. Ang pangalawa naman ay mukhang dito nakatira sa bahay ng kaibigan niya. Hindi niya ito nakita kagabi dahil dumiretso na siya sa kwarto para magpahinga. Nakakapagod din kasi bumiyahe para makarating dito. He rode an airplane first at bumaba sa Cebu. After this, sumakay naman siya ng barko papunta sa Siquijor bago siya nakarating dito sa pamamagitan ng isang four-wheeled van. Napakalayo pala nito sa kabihasnan pero hindi naman siya nagreklamo. He loves adventure, after all.

Siya kaya ang pinsan ni Dan?

Muli siyang humiga sa beach chair at ipinikit ang mata. Agad na rumehistro sa isip niya ang mukha ng dalaga. She has a perfectly-encarved pointy nose and a pair of red, kissable lips, na parang nakakatukso bang halik-halikan. Christian hadn’t seen her smiling pero pakiramdam niya’y may biloy ito sa magkabilang pisngi, bagay na ang tingin niya’y cute sa isang babae. To sum it up, all he can say was she is innocent but seductive at the same time, sa hindi maipaliwanag na dahilan.

For the second time, bumangon ang binata at ginulo ang buhok.

“Ha! Tama na!” he uttered bago binitbit ang pinagubarnag damit kanina at pumasok sa loob ng bahay, wearing nothing but a piece of sexy, boxer brief…

BINUKSAN ni Maine ang pintuan ng kwarto niya. Sakto namang kakatok dapat dito si Aling Patring kaya naman hindi sinasadyang matuktukan siya nito sa noo.

                “Aray ko naman, 'Nay!” reklamo ng dalaga habang hinimas ang tinamaan na parte. “Ba't mo naman ako tinoktokan sa noo?”

                Mabilis namang humingi ng paumanhin at depensa ang matanda. Hindi na lang din umimik si Maine dahil hindi naman talaga iyon sinasadya. Nagkataon lang talaga.

SBS SS#1: Summer Scent [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon