Chapter Seven

2.4K 64 13
                                    

CHRISTIAN sighed habang nakatingin ng diretso sa isang pintuang gawa sa Molave. If he was not mistaken, ito ang in-o-okyupang kwarto ni Maine.

Kaya ko ‘to, bulong niya sa sarili, kasalanan ko rin naman.

Sa huling pagkakataon, ch-in-eck niya kung nakatono ba ang gitarang hawak niya, na nakita niya sa kwartong tinutuluyan kani-kanina lang. Halatang luma na ito at matagal nang hindi ginagamit dahil maalikabok na ang lalagyan at medyo kinakalawan na ang strings. Mabuti na nga lang ay hindi napigtal nang sinubukan niya itong tugtugin at itono.

Nang masigurong tama na ito, muli niyang hinarap ang pintuan. He filled his lungs with air saka lumapit dito. He was here to serenade Maine. Well, not really. Hindi naman kasi siya nandito para umakyat ng ligaw kundi para humingi ng sorry rito at pinaplano niyang idaan iyon sa pagkanta.

Kumatok siya sa pintuan at nakiramdam.

“T-Teka lang…” narinig niyang sabi ni Maine.

Agad naman niyang inihanda ang sarili. He positioned the guitar so that he can play it well comfortably. Mabuti na nga lang ay mayroon itong strap dahil hindi siya sanay na tumugtog ng gitara ng nakatayo. Mayroon din itong pick, na nagpadali ng buhay niya.

When he heard the door clicked open, agad niyang sinimulan ang pag-s-strum ng gitara…

MAINE was right there sitting in the corner. Yakap-yakap niya ang mga binti at maaaninag mabuti ang kalungkutan sa mga mata niya.

Kaibigan ba kita? Hindi nga, eh. Kung tutuusin ay isa ka lang naman talagang estranghera para sa ‘kin. Did you hear it? Tigil-tigilan mo ang pakikielam mo dahil wala rin naman akong pakielam sa ’yo!

Mariing niyang ipinikit ang mga mata para pigilan ang pagtulo ng mga luha niya. Tama na. Ayaw na niyang maalala ang sinabi nito. Those words were enough to smash her into pieces. Tama rin naman kasi ito. Sino ba siya sa buhay nito para makielam siya? Hindi naman sila close! Acquintance was the right term for them at kakapalan lang talaga ng mukha niya ang nagtulak sa kaniya para gawin iyon.

Masyado kasi akong na-attract sa kanya. Ito tuloy napala ko.

Natigilan na lamang siya nang marinig niyang may kumatok sa pintuan. She didn’t bother to ask  kung sino ito dahil alam niyang si Christian ang kumakatok.

“T-Teka lang,” sabi niya.

Pagkatapos ay tumayo siya at humarap sa salamin para suklayin ng mabilis ang buhok gamit ang mga kamay. Nang makuntento’y lumapit siya sa pintuan upang buksan iyon nang marinig niya ang pag-strum ng gitara. Isinagad niya ang pagkakabukas ng pinto at napanganga siya nang bumungad sa kanya si Christian. He was holding an old acoustic guitar, na parating tinutugtog ng pinsan niya kapag bumibisita ito sa rest house.

She was about to ask kung bakit nang bigla itong magsimulang kumanta.

“When I see your smile, tears roll down my face I can’t replace…” pagsisimula nito sa pagkanta.

Napalunok siya nang marinig ang boses nito. Christian’s voice was amazing. She found it soothing and it was calming her shattered spirit.

Judas, ang ganda ng boses ni Kuya Christian! Pak na pak!

However, a part of her was wondering. Ano’ng ginagawa nito? Bakit siya nito kinakantahan? She wanted to know why but she remained quiet. Ayaw naman kasi niyang sirain ang napakagandang mood. Kaya naman, nakinig na lamang siya.

The song didn’t last long. Nang matapos kasi ang chorus ay tumigil na si Christian.

Ay bitin naman?

SBS SS#1: Summer Scent [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon