Chapter Thirteen

2.4K 58 1
                                    

NOTE: Hindi pa tapos. May kasunod pang chapter.

----

ST. LUKE’S HOSPITAL. Napasinghap na lamang si Maine nang makita niya si Christian. His entire body was covered with bondage and there’s a life-supporting machine beside his bed. Kung titingnan ito, halatang pinagdaanan nito ang isang kalunus-lunos na aksidente.

Sinabi sa kanya ni Dan kanina—o mas tamang sabihing kagabi dahil madaling araw na—na naaksidente raw si Christian. Ang hinala ng marami, hinabol ito ng ligaw na hayop habang nagmumuni-muni ito sa gubat bago nahulog sa bangin, kung saan natagpuan ito ng mangangaso. Napagkamalan pa nga itong patay na dahil kalunus-lunos na kalagayan.

Sa tabi ni Christian ay natagpuan ang nagkapira-pirasong SLR nito. Iyon marahil ang dahilan kung bakit ito nagpunta sa gubat. Siguro’y naayos nito ang camera at nagdesisyong lumabas ng bahay para manguha ng larawan.

Lumapit siya rito. Gusto niya itong hawakan ngunit natatakot siya na baka masaktan niya ito.

“I-I’m sorry, Christian,” mangiyak-ngiyak niyang bulong. “Akala ko, iniwan mo talaga ako. Hindi pala. Kung anu-ano pang iniisip  ko about you. Napakasama kong tao. Huhu.”

Tinawagan ni Aling Patring si Dan kanina upang magpatulong sa paglilipat kay Christian sa mas magandang hospital. Hindi kasi sapat ang mga aparato ng pambayang ospital doon kaya kinakailangan ilipat. Kaya nagdesisyon si Dan na ilipat sa St. Luke ang kaibigan nang sa gayo’y mas masiguro ang kaligtasan nito.

Now, how did Dan know about their relationship? Ayon sa pinsan niya, bandang ala-sais ng umaga noong isang araw, tinawagan daw nito si Christian. Kinumusta nito ang binata. Christian, on the other hand, gladly expressed that he thinks he had forgotted Desiree already, bagay na kinagulat din ni Dan.

“Sabi ko sa kanya, ‘Wow? Ang bilis naman. Parang noong isang araw lang, kulang na lang ay magpakamatay ka dahil sa ginawa sa ‘yo ni Desiree’,” pagkukwento sa kanya ni Dan habang binabagtas nila ang daan patungo sa ospital. “Sabi naman niya, gano’n daw talaga. Sa natagpuan daw niya ang babaeng gagamot sa puso niyang sugatan.”

Sa una, nag-aalangan pa talaga si Dan kung si Maine nga ba ang tinutukoy ni Christian. Nakunpirma lang nito iyon kay Aling Patring mismo. Sinabi raw kasi ng matanda na si Christian ang dahilan kung bakit siya umalis ng isla.

Naramdaman na lamang ni Maine na may tumapik sa balikat niya. Si Dan iyon. Hinarap niya ito at niyakap.

“Kuya, hindi ko kaya,” mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Hindi ko kayang makita siyang ganito.”

Hinimas-himas ni Dan ang likod niya.

“Maine, huwag kang mag-alala. Christian is a strong guy, we know that. I have faith on him. Dapat ikaw rin,” saad nito bagaman bakas din sa boses nito ang pag-aalala. “Magpakatatag ka rin para sa kanya.”

“Kuya, ang sama kong girl friend,” patuloy pa rin niyang hinaing. “Hindi ko siya pinagkatiwalaan. Jinudge ko s’ya. Akala ko, iniwan na niya ako. Ni hindi ko man lang naisip nab aka naaksidente siya. Kuya, I hate myself na talaga…”

Lumipas ang maghapon ngunit hindi nagpakita ng senyales na magigising na si Christian. Si Maine naman, kahit pagod na, todo-bantay pa rin sa nobyo. Umaasa siyang anumang oras ay magigising ito at siya ang unang bubungad sa mata nito.

Nang sumunod na raw, may isang babaeng bumisita sa nobyo. Naka-disguise pa nga ito at tila nahihiyang pumasok sa loob. It turned out na ang babaeng ito pala ay walang iba kung hindi si Desiree, ang ex-girlfriend ni Christian. Nang oras na iyon, sumiklab ang galit ni Maine. Ah, ito pala ang babaeng tumarantado kay Christian? Ito pala si Desiree.

SBS SS#1: Summer Scent [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon